CHAPTER 11

31 11 2
                                        

"HEY, Flemara! Answer me! Where the heck did my father take you?" Kanina pa ako sinusundan ni Tyler at kanina niya pa tinatanong kung saan ba kami nagpunta ni Mr. Mondreel.

Nagagalit siya sa akin dahil daw hindi ko siya binabantayan at nasugat tuloy siya sa bubog nang mabitawan niya ang glass of water!

Oa na, lampa na, tanga pa!

"Bawal nga'ng sabihin!" Iritang sigaw ko tsaka naupo sa sofa.

Kinuha ni Tyler ang pillow na nasa gilid ko at umupo sa tabi ko.

"Why are you so rude?" He pouted.

"Naaalibadbaran ako sa'yo, Tyler. Lumayas-layas ka sa tabi ko at baka imbis na protektahan ka ay ako pa ang makapatay sa'yo!" Inis na sabi ko kay Tyler.

Pinagpa-padyak ko pa ang mga paa ko para sabihin na inis na inis ako pero kinunutan lang ako ng noo ng loko!

"Hey, what's naaabilalaran? Nababalaliran? What's that?" Wahhhhhhhh! Grabe, tatanda yata ako ng maaga dahil sa lalaking ito!

"Pinagsasabi mo?" Napa-sapo ako sa sariling noo ko dahil sa kabaliwan niya.

Damn, you're so cute...

"Naaabilalalaran? Nababalilalirariran? Damn! It's so hard to pronounce!" Isinubsob ni Tyler ang mukha niya sa unan na nasa lap niya.

Pfft, HAHA!

Bakit ba sobrang cute mo, Tyler Jale Mondreel?

"Flemara!!"

"Anoo?!"

"What's naaabilalaran or nababalalalilararan?" Malakas akong natawa dahil sa mga pinag-sasabi ni Tyler.

"Saan mo nakuha 'yang mga salita na 'yan? HAHA! There's no such a word, dummy." Tuwang-tuwa na sabi ko.

Ibang klase talaga siya! Naiiyak na ako sa katangahan niya HAHAHAH!

"But you just said that!" Kunot-noong sigaw niya na Lalo kong ikinatawa.

"It's naaalibadbaran, Tyler." Ngiting ani ko.

"Naaaabilalaran—what?!" Pfft, nako naaalibadbaran lang hindi pa masabi ng tama!

"You're so stupid, Taytay. Okay okay, I'll teach you." Ngiting ani ko.

"Okay!"

"Na,"

"Na,"

"A-a,"

"A-a,"

"Li,"

"Li,"

"Bad-ba,"

"Bad-ba,"

"Ran."

"Ran."

"Naaalibadbaran."

"Naaaalibabababadran." Humagalpak ako ng tawa dahil sa kabulunan ni Tyler.

Grabe! HAHA! Inisa-isa ko na nga ang mga pantig hindi niya pa nakuha!

"Hey! Stop laughing at me!" Naka-busangot na usal ni Tyler.

"Paano ba naman kase, HAHA! Pinantig ko na nga hindi mo pa makuha!" Hindi na ako makahinga kakatawa!

"C-calm down, woman!" Parang natataranta na si Tyler nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

The Last Light of Firefly Stories to obsess over. Discover now