CHAPTER 7

11 7 0
                                    

NAKASAKAY ako ngayon sa kotse ni Tyler. Papunta kami sa park dahil doon daw sila magkikita ng babe niya.

Ang panget ng callsign nila! Nakakainis!

"Hoy, Taytay." Agaw ko sa atensiyon ni Tyler na nagda-drive ngayon. Nasa driver's sit siya samantalang ako ay nasa likod niya.

"Taytay!!" Sigaw ko dahil halos minuto na ata ang nakalipas ay hindi pa din sumasagot si Tyler!

"Taytay is a place, right?" He asked innocently.

Damn...

"Tanga. Tinatawag kita." Ngiwing saad ko dito.

Grabe naman itong tao na ito!!

"Wait, me? How come? I'm Tyler. I'm a human and Taytay is a place." Kunot noong tanong nito. Nakikita ko sa salamin na gulong-gulo na siya! Pfft!

"Ang tanga mo." Bulong ko sa aking sarili.

He's dumb...but cute.

"Tyler. Ty. Tyty, Taytay." Paliwanag ko na hindi ko alam kung naintindihan niya ba.

"Ha? Why are you keep on saying Tay?" Lalong kumunot ang noo niya na nagpa-tawa sa akin ng malakas.

"Ibang, klase! HAHAH!" Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa sa kaniya!

Nang mabalik na ako sa katinuan ay huminga ako ng malalim bago hinarap si Tyler. "Basta, iyan nalang ang itatawag ko sa'yo mula ngayon."

"Call me whatever you want."

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa park.

Nagse-cellphone na lumabas si Tyler sa kotse niya. Tinatawagan yata ang bebe niya!

Sana hindi siya siputin, psh!

Maiiwan kaya ako dito sa kotse nila? Siraulo ito! Sinama pa ako kung iiwan lang din ako.

Makaltukan nga! Lalabas na nga ako dito at bubuksan ko ng mag-isa ang pinto! Alangan naman kase na pagbubuksan niya pa ako ng pintuan ano ako, sinuswerte? Tch! Wag ka'nang mag-expect, Vicky!

Nagbago na ang lahat, okay?...

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse nang magbukas ito ni Tyler.

"We're here, sarang—"

Napa-blink-blink saglit si Tyler habang kinakagat ang kaniyang ibabang labi.

Sarang?

T-teka...

"I mean, hey! Why're you so slow?! Tch! Zara is waiting!" Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. Bigla siyang naging masungit.

Ah... Zara pala ang pangalan ng babe niya.

Ang akala ko...hyst!

Ano ba 'yan, Victoria! Bakit ba ang assumera mo?!

Past is past!

"Hey, why're you so slow?! Come on, move!" Masungit na usal ni Tyler na ikinairap ko sa ere.

Padabog akong lumabas sa kotse niya.

Ang sama ng ugali! Wag talaga sana siyang siputin ng ka-date niya!

"Babe!" Mabilis pa sa alas-kwatro akong napalingon sa tinawag niya na babe.

Hmmm...

Well, isa lang ang masasabi ko.

Isang malaking MAS MAGANDA AKO!

"Dummy, kitang-kita naman na mas maganda ako." Bulong ko na hindi yata narinig ni Tyler dahil dire-diretso siyang lumakad papunta sa babe niya.

The last light of firefly Where stories live. Discover now