PROLOGUE

22 10 0
                                    

"ANO?!" Agad na reaksyon ko nang sabihin ni pinuno ang susunod na misyon ko.

Napatayo ako mula sa kinauupuan kong silya at agad na nilapitan si Pinuno dahil sa kaniyang tinuran.

"Victoria, wag ka nang mag bingi-bingihan. Alam kong naiintindihan mo ang pinapagawa ko. Ang head master na mismo ang nag sabi na sayo ibigay ang project na'to," Saad niya na lalong nagpainit ng aking dugo.

I'm not deaf! I just can't accept what they want.

Lumakad-lakad ako sa aking kinatatayuan. Pabalik-balik ako habang kinakagat ang aking isang daliri upang matuon doon ang aking inis.

"P-pero bakit ako? Alam niyo naman ang nakaraan ko! I don't want to see him again! Ni-anino ng kumag na 'yon ayaw kong makita!" Napalakas ang boses ko sa tindi ng inis ko.

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko, dahil hindi nila maintindihan. Hindi nila maintindihan, dahil para sa kanila ayos lang ito. Habang ako? Hindi ko alam kung paano ko haharapan ang isang taong nagdala ng bangungot sa aking nakaraan.

T-tangina... Grabe naman ata itong ginagawa nila sa'kin ngayon!

"Watch your tone, Lady. Firefly!" Bulyaw ni pinuno dahil sa boses ko na napataas.

"S-sorry. Pero pinuno, alam niyo naman po yung past ko, diba? Alam niyo naman po 'yung nangyari pero bakit ako pa! Bakit kayo pumayag?" Pilit na pagtanggi ko sa misyon na binibigay nila.

Ang sakit na ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil na umiyak...

Wala ba silang pakiramdam? Halos lahat sila sa head quarter at lahat ng mga may mataas na posisyon alam ang nangyari dati! Tapos tangina ngayon ako nanaman ang papagawain nila ng lintek na mission na'yan?!

"LADY. FIREFLY! Baka nakakalimutan mo, we have no rights to decline the missions that they're giving! Even me, wala akong kapangyarihan na tanggihan sila!" Napayuko ako ng bahagya dahil sa sigaw ni pinuno.

T-tangina...

"P-pero pinuno---"

"No more buts, Lady. Firefly. We must obey them no matter what." Huling turan ni pinuno bago ako talikuran. Ni-hindi niya manlang ako pinatapos sa pagsasalita.

We must obey them no matter what...pero paano na'ko?

Bakit ba pag tungkol sa kaniya palagi nalang sa akin?

Bakit ba kapag tungkol sa kaniya sa akin binibigay?!

Bawal na'ba akong makalimot?

Sana ako nalang yung nagka amnesia, tangina.

Siya ang saya saya na ng buhay, samantang ako palaging binabangungot ng nakaraan.

The world is so unfair... It's so cruel.

Wala na akong pagpipilian. Ayaw ko nang magkaron ng kahit anong koneksyon sa gunggong na iyon. Ayaw ko ng makita ulit siya...

Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin!

Palagi nalang sila ang nasusunod, Hindi porque kinupkop nila ako at pinalaki ay wala na akong sariling desisyon.

Nakakasawa na. Ni-segundo bawal akong maging sarili ko. Tangina.

Hindi sa wala akong utang na loob pero sa pagkakataong ito, ang kapayapaan naman ng puso at isip ko ang pipiliin ko.

"Firefly." Tawag sa akin ng kung sino na nagpa balik sa akin sa reyalidad.

Padabog akong naupo bago tugunin ang pag-tawag niya.

"If you have nothing important to say, you better shut that filthy mouth of yours." I uttered and glared at him.

"Chill! Alam ko 'yang binabalak mo, Lady. Firefly. You should stop thinking about that. You must obey them. Para na din sayo 'yun. Payong kaibigan lang, ha!" Mahabang sabi niya, tch.

"You're not my friend so stop that bullshits of yours." I said coldly. Hindi na ako nag-abala pa na tignan siya.

Damn. Damn this guy! He's one of the reason why I failed to protect him! He's one of the reason why....

"Stop repeating your mistakes, Firefly. We should learn from our mistakes. We must obey them. Kahit na buhay natin ang nakasalalay. Simula bata tayo iyan ang pilit nilang itinatatak sa mga kokote na'tin. So please, Victoria. Obey them."

Damn!

****************************

All rights reserved.

Zekhi_mestiza

The last light of firefly Where stories live. Discover now