CHAPTER 3

7 6 0
                                    

"Pag gumalaw ka, patay ka." Diin ko.

"H-hoy! Tingin mo matatakot mo 'ko sa ganiyan? HAHA!" Hindi nagpa-pigil ang loko, lumakad pa din siya papalapit kung kaya't kinasa ko na yung baril.

"Isa," Banta ko.

"Ms. Samantha..." Walang emosyong tawag sa akin...ni Xenon.

Lumapit siya tsaka tinapik ang kaninang lalaki para sabihin na siya na ang bahala sa akin.

Nandito pa sila...

Makalipas ang limang taon...nakita ko ulit siya...shit!

"X-Xenon... S-sorry..." Hindi magkanda mayaw ang puso ko...nagsisisi ako dahil mas pinili ko si Tyler kesa ang iligtas sila. Kesa iligtas at ilabas dito ang mga taong nagtitiwala sa akin.

Shit! Naaalala ko nanaman ang nangyari... Ang selfish selfish ko...

"Alam mo ba... na muntikan nang... muntikan ng m-mamatay si Deian? ALAM MO BA 'YON?!" He yelled at me furiously.

Dahan dahan siyang lumalakad papalapit sa akin kaya naman dahan dahan din akong napapa atras.

"S-sorry," Nabitawan ko na ang baril na hawak ko dahil sa sobrang takot.

Hindi ko sila kayang saktan. Sinaktan ko na sila... I betrayed them... Tapos ngayon sasaktan ko nanaman sila? Hindi ako ganoong klaseng tao.

"Sorry? Bakit, Sam, mababalik ba ng sorry mo yung nawalang kanang kamay ni Deian?!" Agad nag flashback sa utak ko ang huling pagkikita namin ni Deian.

"Deian! Please, bumalik na kayo sa kwarto. Please. Babalikan ko kayo. Please lang! Ako na muna ang aalis!" Pagpilit ko kay Deian dahil nagpupumilit siya na ihahatid ako at po-protektahan ako sa mga humahabol na tauhan ni Mr. Mondreel.

"No, Samantha. I will protect you!" Pagpupumilit niya.

"Pero maga-alala sayo sila Travis! I can protect mysel----"

"I insist."

"Ayaw ko'ng mapahamak ka!"

"I don't want you to be in danger either!" Pagpupumilit niya.

Ano ba naman itong lalaki na ito!

"Pero Deian---"

"Nakita ko na sila!" Nabaling ang atensiyon naming pareho sa gawi na may nag salita.

"Run, Sam!" Tinulak niya ako nang makita niya ang mga tauhan ni Mr. Mondreel na nagtatakbuhan papalapit sa amin.

"T-teka---"

"No more buts, Princess. Just please, live. For us. Sayonara..." Tuluyan na akong tumakbo papalayo dahil sa malakas na pag tulak sa akin ni Deian.

Deian...

I promise, I'll live...

Gusto Kong lumingon... Pero baka kapag lumingon ako... Baka hindi ko kayaning mabuhay...

Deian...

"Aghhhrg!" Rinig kong sigaw ni Deian at dahil sa sigaw na iyon ay hindi ko napigilan na lumingon.

Y-yung kamay niya... ang kanang kamay niya ay hawak hawak niya...

Putol...

"Stop that, Xenon." Kalmado pero maotoridad na sambit ni Travis na nagpa balik sa akin sa reyalidad.

The last light of firefly Where stories live. Discover now