CHAPTER 9

8 6 0
                                    

PAPUNTA ako ngayon sa office ni Mr. Mondreel na nasa loob ng kaniyang mansion.

Hyst, mabuti nalang talaga at nahuli ko ang lalaki na bumaril sa amin kahapon!

Sana ay ipinatawag ako ni Mr. Mondreel para ibalita na mapo-promote ako!

"Mr. Mondreel," Bungad ko nang makapasok ako sa office niya na nakabukas lang.

"Ms. Smith, have a seat."

Umupo na ako sa couch na nasa harapan ni Mr. Mondreel habang siya ay nakaupo sa swivel chair.

"Bakit nyo po ako pinatawag, sir? May iuutos po ba kayo?"

"I just want to say thank you for saving my son. Hindi nga ako nag-kamali sa pag-hired sayo." Ngiting saad niya.

Kung maka ngiti siya ay akala mo napakabuti niyang tao... Sa likod ng mga ngiti niyang iyon ay ang kasamaan ng budhi niya! Sa likod ng mga ngiti na iyun ay ang mala-demonyo niyang pag-uugali at gawain.

I hate him...

"It's my duty to protect your son...sir." Sabi ko nalang.

"Ms. Smith. Now that I trust you, I'll tell you something at isasama din kita sa isang meeting." Here is it!

Nakakaramdam na ako ng information!

"What is it, sir?"

"Do you know what mafia is?"

"I do, sir. Madami akong nababasa tungkol sa mga mafia sa libro."

"Hindi pala ako mahihirapan na mag paliwanag sa'yo. I'm one of them, Ms. Smith. And Tyler is my only heir, so I need to do everything to protect him." Paliwanag ni Mr. Mondreel.

Hm...alam ko na 'yan...

"Thank you...for trusting me, sir. I'll do my best to protect your only heir. I'll put my life on the line if it is needed." Litanya ko na ikina-tango-tango ni Mr. Mondreel.

"That's good to hear, Ms. Smith. And I know that you're strong, kaya isasama kita sa isang meeting. This time, ako naman ang kailangang mong protektahan." Finally! This is it! Nararamdaman ko na Ang maagang pagtatapos ng mission ko!

"Okay, sir!"

"Are you willing to risk your life just to protect me, Ms. Smith?"

"Yes, sir!"




MATAPOS akong kausapin ni Mr. Mondreel ay dumiretso ako sa kwartong tinutuluyan ko para maligo.

"Vi—vingi! Hey, Flemara! What's the meaning of vingi?" Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto nang marinig ko ang boses ni Tyler.

Hyst, heto nanaman po tayo.

Salubong ang kilay ko siyang hinarap. Nakatayo siya ngayon sa pintuan ng kwarto niya. Magkatabi lang kasi ang kwarto niya at ang kwarto na tinutuluyan ko para daw mabilis ko siyang mapuntahan kapag nasa panganip siya.

"Hoy, lalaki! Saan mo ba napupulot 'yang mga itinatanong mo sa akin?!" Taas kilay na ani ko.

Paano ba naman kasi, palagi siyang may baon na tanong sa tuwing magkasama kami! Nung nakaraan tinanong niya sa akin ang ipis, butiki , tapos ang gamo-gamo, karyoka, tapos ngayun naman ay vingi?

"I just heard that from Zeron," He pouted.

Damn, Tyler! Why are you so cute?! Stop that!

I...I might fall in love... again...

The last light of firefly Where stories live. Discover now