"FLEMARA, manatili kang alerto sa paligid sa lahat ng oras. Tayong dalawa ang nasa tabi ni Mr. Mondreel at po-protekta sa kaniya sa oras ng trade. Tayo ang magtatakas sa kaniya kapag may nangyari na hindi maganda." Paliwanag ni Zeron.
We are now in the black car na napagigitnaan ng anim na puting kotse. Dalawa sa harap at dalawa sa likod tapos tag-isa sa kaliwa at kanan.
Walang mga sasakyan sa paligid at malawak ang kalsada kaya naman hindi kami nahirapan.
Zeron is the one who is driving, ako sa passenger sit at nasa likod naman si Mr. Mondreel kasama ang dalawa pa na guards.
"Flemara! Are you listening?" Biglang sigaw ni Zeron.
"Ay mukang kabayong butiking may sungay at palikpik!" Napasigaw nalang ako ng dahil sa gulat!
Wahhhhh, hihiwalay 'ata ang puso ko sa katawan ko!
"Flemara," Seryoso ang boses ni Zeron sa pagkakataong ito, nakakapangilabot!
"Y-yes! Yes kuya Zeron, I'm listening!" Ano daw?!
Nasasaan nanaman ba ang utak mo, Victoria Vuestaux?! Anong kuya Zeron?! Argh!
"Kuya?"
"A-ahh...ano! I mean how old are you?!" Sige, Victoria, mag reason ka!
"Tch, it's none of your business," Masungit niyang sambit kaya napa-nguso nalang ako.
Psh, walang pinagbago si Zeron. Masama pa din ang ugali!
Minutes had passed nang may matanaw akong isang malaking building. Based sa labas nito, abandoned na ang building.
"We're near. Flemara, don't lower your guards." Tumango ako tsaka tumingin kay Mr. Mondreel at sa likod namin.
Ang usapan kase ay ako ang bahala sa likod at mag bantay kay Mr. Mondreel, si Zeron sa harap at yung dalawang guards naman na katabi ni Mr. Mondreel ay sa kanan at kaliwa.
"We're here," Huminto na Ang kotse, akmang lalabas na ako nang hawakan ako ni Zeron sa kamay.
"W-why?" Shit! Anong trip nitong si Zeron?! Don't tell me nalaman na nila ang tungkol sa mission ko?!
Sabi ko na eh, dapat mas naging maingat ako!
"Wear this," Tinignan ko ang inaabot ni Zeron—puting maskara. Hindi iyun maskara na sakop ang buong muka, kalahating muka lang ang matatakpan kapag sinuot yun.
But! Pew! Akala ko nahuli na 'ko.
"W-wala ba kayong...yung maskara na matatakpan ang buong muka?" Kamot ulong tanong ko.
Nakalimutan ko, baka makilala ako ng kung sino man ang ka-trade ni Mr. Mondreel. Who knows kung naka trade niya na 'yun dati habang kasama ako?
"Ang arte," Inis na kinalkal ni Zeron ang malaking bag na nasa harapan niya.
"Oh!" Padabog niyang binigay sa akin ang isang kulay purple na maskara.
W-wait, ito ang ginamit ko noong unang nagta-trabaho pa lang ako kay kay Mr. Mondreel! This is the one that I'm always using back then, sa tuwing sinasama ako sa tradings ay palaging ako lang ang naiiba. Mr. Mondreel's trading partners even addresses me as the "purple princess of Mondreel's Legacy".
Nandito pa pala 'to, how come na hindi manlang nila naalala ang pinagmulan ng maskara?
Pero ano ba 'yan! Hindi matching ang kulay ng damit ko at ng maskara ko.
YOU ARE READING
The Last Light of Firefly
Misteri / ThrillerSimula bata pa lang si Victoria ay kinuha na siya ng sindikato. Dito na siya lumaki kung kaya't kailangan niyang sundin ang bawat ipinag-uutos sa kaniya ng mga ito...maging pag-patay pa 'yan ay kailangan niyang sundin. Paano kung pag-kuha na mismo s...
