"GOODLUCK sa bagong mission, baby Vicky!" Ngiting sabi ni Jayel habang naka yapos sa akin.
"Bakit parang masaya ka pa diyan, Jay? Kita mo'ng hindi niya gusto yung mission na binigay sa kaniya." Mataray na turan ni Vhie sabay sapo sa sariling noo.
"Kahit na! Mas okay na na good luck ang sabihin kesa sa bad luck, diba? Para maging successful ang mission niya!" Balik na pagta-taray naman ni Jayel.
"Sabagay, tama! Vicky, kailangang maging successful ang mission mo, maliwanag?" Sabi ni Vhie habang naka hawak sa mag-kabila kong balikat.
"I-i don't know..." Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig.
Hindi ko talaga alam kung magiging successful ang mission ko. Ni-hindi ko alam kung kakayanin ko na harapin si Tyler.
"Anong i don't know?? Gaga! Sa bawat mission, tatlo lang naman ang pagpipilian natin. Una, manalo sa mission. Pangalawa, Buhay natin. At pangatlo, buhay ng malapit sa atin." Mahabang paliwanag ni Vhie na lalong nagpa lugmok sa akin.
Shit! Syempre kapag hindi naging successful ang mission ko, Buhay ng mga kaibigan ko ang pipiliin ko! Pero tangina pano kapag pinapili ako kung sino sa mga kaibigan ko?!
"P-patayin ba...u-ulit yung...yung mission mo?" Sabi ni Jayel at nang mag tagpo ang mga mata namin ay agad siyang nag iwas ng tingin.
"B-basta! Kaya ko sigurong matapos 'yun! Sus, ako pa!" Pilit na ngiti ko sa kanila.
Siguro...siguro nga ay kaya ko. Masakit, pero kailangan kong kayanin.
Tama, Vicky! Kaya mo yan!
"Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Vhie na nginitian ko lang.
"Syempre naman! Si Victoria Vuestaux ata 'to!" Pag-papagaan ko sa loob nila.
Lumapit silang pareho sa akin at binigyan ako ng isang yakap. Yakap na puno ng pagmamahal at pag-aalala.
Maswerte ako dahil nandito ang dalawang 'to sa tabi ko palagi. Sila ang nagpapalakas sa loob ko at tumutulong sa akin sa lahat ng bagay.
Ang sabi nila, kaya ko ito. Kaya kakayanin ko.
Kaya mo Yan, Victoria! Kayanin mo!
~~~~~~
NANDITO ako ngayun sa harap ng mansion ng mga Mondreel. Pinuno said that they're looking for a bodyguard so it's a good opportunity for me.
I'm doing this...again.
Hawak ko na ang lahat ng papeles na kakailanganin. Syempre peke ang mga ito.
"Sir, mansion po ito ng mga Mondreel, 'di po ba?" Bungad ko sa guard na nagbabantay sa gate.
"Sino sila? Anong kailangan?"
"A-ahh! Ako po si Flemara Smith. Ako po ang galing sa agency na tinawagan ni Mr Mondreel para maging bodyguard." Kasama na sa ibibigay ko sa kanila na peke ay ang pangalan ko at ang pinanggalingan ko. Ang pagkatao ko...
Flemara Smith.... Hindi na masama.
Flemara Smith... ang bagong pangalan na lalagyan ko ng dungis.
"Pasok," Pinapasok na ako ng guard tsaka ihinatid sa maliit na bahay na nasa likod ng mansion.
This again.
Halos walang pinagbago ang mansion... Yung puno ng rambutan na tinanim ka, nandito pa din sa sentro! Naalala ko na virus ang tawag niya sa rambutan, haha!
YOU ARE READING
The last light of firefly
Mister / ThrillerSimula bata palang si Victoria ay kinuha na siya ng sindikato. Dito na siya lumaki kung kaya't kailangan niyang sundin ang bawat ipinag-uutos sa kaniya ng mga ito...maging pag-patay pa 'yan ay kailangan niyang sundin. Paano kung pag-kuha na mismo sa...