CHAPTER 5

13 7 0
                                    

ONE week had passed and I am now Infront of the small house behind Mondreel's Mansion. Inutusan nila ako na magdala ng pagkain sa mga alipin 'daw'.

I hate them! How dare them call my friends alipin! They have no rights to call them that!

"Sino ka?" Tanong ng lalaki na nakatayo sa gilid ng bahay, bantay ata aso ba aso. Kidding aside.

"New bodyguard. I'm here to deliver foods to the prisoners." I explained. Ngayun lang ako ulit nakabalik dito simula nang matanggap ako.

Sino kaya ito si kuya? Bago siguro ito. Hindi ko siya nakita last week, or maybe day off niya that day?

Inabot niya sa akin ang mga susi bago binuksan ang pinto.

"Isang oras. Hintayin mo na din na maubos nila ang pagkain para malabas mo na 'yang mga kasangkapan." Ani ng mamang aso bago isara ang pintuan.

Grabe, ginawa ba naman akong yaya!

Nag lakad na ako papunta sa kwarto kung saan nakakulong sila Travis. Nang makaraing na ako ay binaba ko muna ang pagkain bago tanggalin ang mga kandado.

"Pagkain," Bungad ko sa kanila.

Isinara ko muna ang pintuan bago ibigay sa kanila ang pagkain dahil baka may makarinig at makakita sa amin na parang close-close. Nako! Baka masisante agad ako.

"Sammy!" Masayang bati ni Xenon habang lulundag-lundag na lumalapit.

"Princess, welcome back." Ngiting ani Deian.

"Welcome back," Si Travis.

"I told you, I'll be back." Ngiti ko sa kanila.

"But your late, one week had passed." Nguso ni Deian.

"At least I'm back." Ngisi ko.

"Sam," Tawag sa akin ni Travis.

Hyst, Sam pa din ang tawag nila sa akin.

"Can you guys please stop calling me Sam?" May pag-aalinlangan sa boses ko.

"Why? Your name is beautiful!"

Damn! I feel guilt because we know each other for a long time pero hindi pa din nila alam ang totoo kong pangalan.

"The truth is..." Humugot ako ng isang malalim na hininga nang makita ko na titig na titig sila sa akin habang naghihintay.

"Samantha Savver is not my real name. My real name is... The real me is... I am Victoria Vuestaux. That's my real name." Nginitian ko sila ng bahagya.

Masaya ako dahil ngayon, nalaman na nila ang totoo ko'ng pangalan. Sa loob ng mahabang panahon na pagkakakilala namin ay nasabi ko na din sa wakas ang totoong ako.

"Hey, bakit tumahimik kayo?" Takang tanong ko sa kanila dahil wala ni-isa sa kanila ang nag tangkang mag-salita.

"Hmm... I'm wondering what to call you..." Nakahawak pa si Deian sa kaniyang baba at parang malalim ang iniisip!

"Should I call you Vicky?"

"Wag, Dei! Call her Victoria. Parang 'yung sa barbie. Si princess Victoria!" Bungisngis ni Xenon dahilan para masapo ko ang aking sariling noo.

Siraulo talaga.

"Wag na ninyong isipin ang itatawag sa akin gamit ang pangalan na 'yan. The name that I am using in this mission is Flemara Smith. So call me Flemara or Smith." I explained.

The last light of firefly Where stories live. Discover now