Chapter 2

47 7 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.



--------------


Chapter 2


Mikha Lim.


Tahimik ang biyahe habang tumatakbo ang sasakyan sa ilalim ng makulimlim na langit. Agad agad kasi kaming pinapunta ni Daddy sa bahay ni Aiah.

Nakaupo ako sa harap, at hindi mapakali. Pinilit kong hindi tumingin sa mga kasamahan ko na abala sa pag-check ng kanilang mga gamit sa likod. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili.

"Bakit ko nga ba tinanggap 'to?" Kung tutuusin ay kayang kaya ko tanggihan at ipasa sa team ni Gelo.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Sa labas, unti-unting bumabagal ang traffic pero mas mabagal ang takbo ng mga iniisip ko.

Alam ko'ng may dahilan si Daddy hindi ito basta-basta trabaho lang at hindi niya basta basta ibaba ang mission na to sakin at ang nakakainis pa, Ang kliyente ay si Aiah, ang may pinakamalaking pangalan sa fashion industry, at ang taong kinamumuhian ko.

Pero hindi trabaho ang nagpapasikip ng dibdib ko. Kundi si Aiah... hindi lang basta kliyente. Siya ang kaisa-isang tao na pilit ko'ng kinakalimutan, pero hindi maalis sa sistema ko. Ex-lover ko. Isang pangalang pilit na bumabalik kahit ayaw ko nang marinig.

Sana nga pala pinasa ko nalang sa iba.. inis na bulong ko sa isip. Bakit ako pumayag? tanong ko sa sarili. Alam ko naman kung anong klaseng sakit ang dala nito. Pero bakit ang hirap tumanggi?

I felt a drop of sweat on my forehead. Again, I thought of the last time Aiah and I met. We broke up on a bad note. Filled with anger, sulking, and unspoken words. Hindi ko tuloy alam kung paano ako tatayo sa harap niya ngayon—bilang professional, o bilang isang taong minsang naging mahina.

"Huy Mikha?!" untag sakin ni Maloi. Nakaupo siya sa tabi ni Colet. Actually hindi sila good terms ni Colet dahil ang sabi ni Maloi ay mayabang 'to, pero hindi rin siya nakatanggi ng sabihin ni Superior na mag kakasama kami.

"Oh?" sagot ko, parang bumalik ako bigla sa sarili ko tawagin niya ko.

"Sabi ko malapit na ba tayo? Ayoko na kasing katabi 'tong Colet na to." umismid pa siya sa katabi.

Colet smirked. "Ayaw din kitang katabi Dora, nakakabother yung bangs mo." she fired back na halatang walang balak mag patalo.

"Ayoko talaga sayo.. napakayabang mo!" singhal ni Maloi.

Colet shrugged. "Well, the feelings is mutual." hindi na siya pinansin ni Maloi at sumiksik nalang kay Gwen na natutulog sa likod.

Nag focus nalang ako sa pagmamaneho at ilang minutes pa ay nakarating na rin kami. Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaki at modernong bahay ni Aiah. Mataas ang gate at nakasilip mula sa likod nito ang mga eleganteng puno at malalaking bintana ng bahay na parang malamig at walang emosyon—parang mismong siya nung huling pagkikita namin. Bumuntong-hininga ako bago bumaba, pilit na itinatago ang mabigat na pakiramdam ko.

Kailangan ko maging professional at hindi dapat ako mag pa'apekto sa kanya. Pinanatili ko sa mukha ko ang blankong expression.

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon