THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
--------
Chapter 11
Mikha Lim.
Dahil bago sa grupo, Tahimik kaming nakaupo sa likuran ng sasakyan, kasama ang ilan sa mga tauhan ni Vargas. Napapansin ko ang panay tingin samin ng mga tauhan nito.
"Kayo ba ang mga bago? Sana hindi kayo mga duwag. 'Di pa naman kayang magtiwala ni Boss sa kung sino lang" sabi nito samin habang tiningnan kami sa salamin ng kotse at parang iniinspeksyon kaming dalawa.
Naramdaman kong siniko ako ni Vergara. "Walang dahilan para umatras. Alam naming mahirap, pero may kakayahan kami." medyo mayabang ang tono niya. Natahimik ito, dahil siguro nakita niya kung paano namin pinatumba yung mga kasamahan nila. Buong biyahe ay walang nag sasalita samin. Medyo naninimbang din ako sa mga kasama sa sasakyan.
Alam kong hindi sila madali lokohin at sigurado akong delikado sila base na rin sa mga itsura nila.
Buong akala ko ay sa mismong port na kami pupunta pero dumiretso kami sa isa pang warehouse. Bumaba kami at dumiretso sa loob. Sa isang warehouse malapit lang sa port. Pumasok kami sa loob kasama ng iba pang tauhan ng sindikato, nagtipon kami sa paligid ni Vargas habang tinatalakay nito ang plano at nakatitig sa bawat isa na parang sinusuri ang loyalty ng bawat isa samin.
"Kinabukasan ng gabi dadating ang shipment. Atin na ang mga paninda oras na matapos ang delivery na 'to. Pero hindi tayo puwedeng magkumpiyansa. Kailangang siguraduhin na walang aberya." matigas na sabi nito at nag lalakad pa-ikot samin.
Bigla niya kaming binalingan dahil siguro kami ang bagong salta.
"Kayo, mga bago." Itinuro kami ni Vargas. "Naiintindihan ba ninyo ang magiging trabaho niyo dito?" naninindak na tanong niya samin.
Bahagya akong tumango. "Oo, Boss. Nakahanda kami para sa pagbabantay. Wala kaming hahayaan na makalapit o makialam." tinitimbang ko ang tono ng sagot ko para magmukhang kampante ngunit hindi agresibo.
Nakita kong napatingin si Vergara kay Vargas, nakikinig ito nang mabuti at pinipilit i-memorize ang bawat details. Ang bawat salita ni Vargas ay mahalaga para sa misyon namin.
Tumango ito. "Mabuti. Mag-iingat tayo dahil may mga balita na interesado rin sa kargamento natin ang ibang grupo. Kaya gusto ko na bawat oras, may naka-assign sa paligid ng warehouse. Walang bibitaw sa pagbabantay-lalo na bukas ng gabi." ani pa nito.
Tssss.. mukhang mapapalaban pa kami sa iba pang sindikato. naiinis na sabi ko sa isip ko.
May kinuha si Vargas sa isang tauhan at inilatag sa harapan ng lamesa sa gitan. Ipinakita niya ang isang blueprint ng port at warehouse. Ipinaliwanag niya samin ang kanilang mga posisyon para sa susunod na gabi, ang mga rutang gagamitin sa paglipat ng mga kargamento, at ang mga escape route sakaling magkaroon ng gulo.
Magaling ang utak nito ha? Siniguro niya talagang may dadaanan kung sakaling magkagulo. Naisip ko na halos pareho lang sila ni Daddy sa pag paplano.
BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)
FanficMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see Aiah beg? cry, or better yet beg.