THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
----------
Chapter 16
One week later.
Mikha Lim.
Nasa gilid ako ng kama nakayuko, habang pinagmamasdan ang mga sugat at pasa sa braso ko. Ilang araw na ang lumipas mula noong nangyari ang engkwentro sa mission namin, pero ang bawat galaw ko at bawat pikit ng mata, para bang nararamdaman ko pa rin ang bawat bala na bumaon sakin, maging ang mga suntok at sipa ni Vargas sakin, ramdam na ramdam ko pa.
Bwiset na Gorilla yun, talagang pinuruhan kami. hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing maalala ko kung paano niya ko pinuruhan.
Kamusta na kaya si Colet... yung isang 'yon parang may saltik, kahit nabugbog na ni Vargas nakuha pa niya asarin si Gorilla. Pero....
Ako dapat yung mababaril.. pero... Niligtas niya ko. Sinalo niya yung balang para dapat sakin, at nahihiya ako kay Maloi dahil nakikita at naririnig ko kung paano siya umiyak.
Akala ko ba may gusto si Maloi kay Maki? Eh, bakit parang kay Colet siya nag aalala tapos sakin hindi.
Napabuntong-hininga ko at sinubukang alisin sa isip ang mga eksena—ang takbuhan, ang pagkalabit sa gatilyo, ang pagpapalit ng magazine at ang pagputok ng mga bala. Pero kahit anong pilit ko kalimutan, bumabalik pa rin ang lahat sa isip ko, parang movie na walang katapusan. Nakakairita.
Bumalik ako sa realidad nang mag bigay ng update mula sa radio ang security team na naka'assign sa bwiset na Aiah.
"Captain, this is Agent Mikki, requesting status update, may photoshoot po si Miss Arceta sa Calvin Klein tomorrow, 2:00 pm." sabi ni Mikki. Sa inis ko sinigawan ko siya.
"ANONG PAKEALAM KO SA BWISET NA YAN!!!" sigaw ko. Pakiramdam ko umuusok ang bunbunan ko sa inis nang marinig ang pangalan nito. Bigla kong naalala yung interview sa kanya kaninang umaga, about sa co-model niya na dinate niya.
•| Flashback | Talk Show |•
"Alright, Aiah, I think all your fans are dying to know… may spark nga ba sa pagitan mo at ng iyong co-model?" tumaas ang kilay nung host.
Umarko ang kilay ko at naikuyom ko ang kamao ko. Naiinis ako sa hindi ko alam na dahilan.
Yung co-model na tinutukoy nung babae, ayun yung lalaking kadate ni Aiah nung time na dinenay niya ko sa lahat.
"Oh, Mae, alam mo naman ang trabaho namin – kailangan ng chemistry, lalo na sa mga photoshoots." nakangiting sagot ni Aiah.
Ulol... Chemistry mo mukha mo tarantado ka.
Alam kong lukot na ang mukha ko. Dahil sa inis at ang nakakabadtrip pa, hindi ko mailipat sa ibang channel.
"Chemistry, you say?" natawa pa ito ng bahagya. "Pero minsan kasi ang chemistry sa harap ng camera, nagtutuloy sa real life, hindi ba?" nang aasar na sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see Aiah beg? cry, or better yet beg.