Chapter 3

48 7 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.

-------

Chapter 3


Aiah's P.O.V



So? Pinapa'mukha niya talaga sakin na ako yung nag kamali?


Ano ka ba Aiah? Malamang ikaw naman talaga yung nag kamali.. I'date mo ba naman yung co-model mo di'ba?





Obviously... Galit talaga siya.

"Oh ano? Wala ka nang masabi?" seryosong sabi pa niya. Sarkastikong tumawa siya. Malamig ang paligid, ngunit mas malamig ang tingin niya sakin, Nakatayo pa rin siya sa harapan ko.

"Kahit magpakitang tao ka nalang. Hindi ba... sanay ka naman magpakitang tao?" panunuya pa niya.

Nag iwas ako ng tingin, hindi ko kayang tumagal sa titig niya. "Hindi mo ako naiintindihan, Mikha. Hindi iyon ang-"

She cut me off. "Hindi ko naiintindihan? Alam mo Aiah, sa totoo lang, magaling ka talaga. Sa harap ng camera, sa harap ng mga tao, kaya mo silang paasahin. Kaya pala nadali mo ko noon." huminga siya nang malalim at pilit pinapatawa ang sarili.

"Pero alam mo, kahit anong pilit kong itapon ang nakaraan, minsan... nakakatuwa lang isipin kung gaano ako naging tanga sayo." yung boses niya, punong-puno ng hinanakit-dahil sakin, dahil sa ginawa ko noon na kahit ako pinagsisihan ko ng husto.


"Mikha, hindi ko ginusto na saktan ka. Nagkamali ako, pero-"

"Nagkamali? Ah, tama nga, kasi aksidente lang na nakipaglandian ka sa iba habang karelasyon mo ko, 'di ba?" tumitig siya nang diretso sakin.
"Sabagay, sino ba naman ako para pigilan ka? Model ka, pangarap mo yan."

"Mikha... tapos na 'yon." mahinang sabi ko, dahil sa totoo lang hindi ko na kayang marinig lahat ng sasabihin pa niya.

"Tapos na? Siguro nga. Pero kahit tapos na, nakakaramdam pa rin ako. Hindi naman gan'un kadali itapon ang lahat, Aiah. Hindi gan'un kadali na parang isang photoshoot lang na pwede mo nang kalimutan pag tapos na." seryosong sabi pa niya, tumulo ang luha ko. Naramdaman ko yung sakit nang nakaraan namin.

Kasalanan ko naman kasi talaga.




"Alam mo, Aiah, hindi mo lang ako nasaktan. Parang binalewala mo lahat ng pinagsamahan natin. Akala ko ba kasama kita sa mga pangarap ko? Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat dahil sa desisyon mong hindi pinag'isipan dahil sa kagustuhan mong maging sikat." natatawang sabi pa niya. "Akala ko kaya kita pinili ay dahil sa pagmamahal mo. Pero nagkamali ako."


Napalunok ako, tama siya. Dahil sa kagustuhan kong maging sikat, nagawa ko siyang ikaila at saktan.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Mikha, hindi mo alam ang mga pinagdaraanan ko noon. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko, at sinisisi ko ang sarili ko sa bawat araw."

She laughed sarcastically. "At dahil sa pangarap mo, natutunan mo akong ikaila at ideny sa lahat? Akala ko nung una makakahanap ka ng solusyon? Kung talagang mahal mo ako, hindi mo sana ako ikinaila, hindi mo sana ako sinaktan at pinag mukhang obsessed fan na nag hahabol sayo!" tumaas ng konti ang boses niya.

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon