Chapter 15

64 9 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.



-----------






Chapter 15

Maloi Ricalde.

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan si Colet na mahimbing na natutulog, puro siya sugat, pasa, at galos sa iba't ibang parts ng body niya. Sa mga mata ko ay puno ng pag-aalala at lungkot, hindi ko maiwasang bumalik sa mga panahong magkasama pa kami sa training. Muli akong binalik sa mga panahon na lihim akong humahanga sa kanya, ang dating Colet Vergara na una kong nakilala.


Ngayon, habang nakatitig ako sakanya naramdaman ko ang kirot na dulot ng nakaraan-mga pagkakataong hindi na namin maibabalik. Napabuntong-hininga ako, ramdam ko ang bigat ng damdamin sa dibdib na hindi ko kayang ipahayag nang dahil lang sa isang pangako na hindi natupad.



•| Flashback |•


Isang gabing punong-puno ng tawa at pagod mula sa matinding physical training, nakaupo ako kasama ang iba pa naming kasama at natanaw ko si Colet na sa isang gilid ng open field habang nagpapahinga. Wala ni isa sa samin ang bumibitaw sa training, kahit na may mga araw na halos gusto na naming sumuko.


Tumayo ako at pasimpleng lumapit sa kanya. Nakayuko siya at hingal na hingal. Umupo ako sa tabi niya kahit na lagi niya ako inaasar. Nang mag angat siya ng tingin, Inabot ko sa kanya yung bottle ng tubig.

"Water.." nahihiyang sabi ko, ngumiti siya sakin at tinanggap yun.

"Salamat." matipid na sabi niya sakin. Tahimik lang ako habang pinapanuod siya na iniinom yung tubig. Nagulat ako nang mag-salita siya bigla.

"Loi.." tawag niya sakin.

"Hmm?" mahinang response ko.

"Kapag nakapasa ako sa training at nakagraduate tayo pareho..." biglang sabi ni Colet, may mapang-asar na ngiti sa labi. "Makipag-date ka sa akin, ha?"

Napangiti ako, pero sinubukan kong magmukhang hindi apektado. Kahit na sa totoo lang ay para na kong hihimatayin sa kilig.

Ano ba Maloi?! Dapat kay Maki ka lang kinikilig! kastigo ko sa sarili ko.

"Ano namang mapapala ko dun?" balik ko kunwaring malamig, pero bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Sige na!" dagdag pa niya, masaya ang ngiti, ngunit may kasamang seryosong kislap sa mga mata. "Kung makakapasa ako, kailangan mong sundin 'yan, no questions asked. Ang hirap kaya ng training na 'to! Kapag ako nakapasa, ibig sabihin deserving ako sa isang date." nangingislap ang mga matang sambit niya.

Hindi ko mapigilan ang pagbuntong-hininga sabay iling, pero may lihim na ngiti sa mga labi. "Fine." sagot ko at kunwaring may pag-aalinlangan. "Pero kapag ikaw ang hindi naka'graduate, titigilan mo ako at ilalakad mo ko kay Maki?! Ano deal?!" tanong ko pa sa kanya.

Saglit siyang napaisip at maya maya ay tumango. "Challenge accepted!" sambit niya, at tumawa ito nang malakas, sabay bigay ng playful na tapik sa balikat ko. "Promise Loi, kapag ako naging Lieutenant, sayo ako unang sasaludo." she mumble.

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon