THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
------------
Chapter 9
Jhoanna Robles.
Fuck... Wag mo kong hinahamon Kevin.. Nagtiim bagang ako ng maalala ang eksena kanina. Akala ba niya gusto ko ang kayamanan ng tarantadong ama ko? Hell! No! Kaya ko sarili ko.
Nagulat ako nang lapitan ako ng isa pang guest. Sa tindig nito ay masasabing mataas ang pinag-aralan. Well? Malamang, iimbitahan ba yan dito kung hindi yan high profile Jho? kastigo ko sa sarili ko. Tssss. kahit kelan ay medyo mahina talaga ko.
"So you're Sergeant Robles! Balita ko, mas mayaman ka pa raw kaysa sa ama mo. Kung ganun na pala ang estado mo, bakit hindi ka na lang magretiro?" sambit nito. Kung ganun ay talagang kilalang-kilala nila si Dad. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa sinabi nito.
Bakit hindi ikaw ang magretiro tanda? sambit ko sa isip ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.
"Kung kayamanan lang po ang basehan, siguro nga po. Pero hindi po pera ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon." tumawa ako ng bahagya pero may kalakip na respeto. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatitig kay Miss Arceta na abala sa pakikipausap sa Manager niya.
Tumawa ang matanda. "Kung ganun ay ano ba ang dahilan?" usisa pa nito, na halatang interesadong malaman. "Mukhang may malaking halaga ka talagang binibigay sa trabaho mo, Sergeant Robles. Ano nga ba talaga ang nagtutulak sayo na manatili sa propesyon na ito?" tanong pa nito. Medyo naiinis na ko dahil sa dami ng tanong niya pero hindi ko ugaling mambastos.
"Ang dahilan po kung bakit nandito ako ay dahil gusto kong siguraduhin na ligtas si Miss Arceta., kami po ang naatasan na magiging security personnel niya. Responsibilidad ko po siya sa event na ito, at para sa akin, inuuna ko po ang tungkulin ko bago ang kahit anong bagay." deretsong sambit ko.
Tahimik na tumango ang matanda, parang humahanga pa lalo sa disiplina ko. Samantala, si Stacey na kanina pa pala na nakikinig ay hindi mapigilang tumitig sakin, na may halo ng pagkamangha sa dedikasyon at paggalang ko sa trabaho.
Bakit hindi ko siya napansin? Ni hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.
"Nga pala Sergeant Robles, ito ang apo ko si Stacey." turan ng matanda. Tipid akong ngumiti at nag bigay galang sa kanya.
"Nice to meet you." pormal na sabi ko at nilahad ang kamay ko, tinanggap naman niya yun at nag pakilala sakin.
"Nice to meet you Sergeant Robles, I'm Stacey.." sabi niya at biglang ngumiti. "It's nice to know na may mga taong tulad mo na hindi tumitigil para siguraduhing ligtas ang mga katulad namin." sambit pa niya.
"Thanks.." matipid na sagot ko, nag paalam na siya sakin na aalis na kaya tumango ako. Nang makaalis si Stacey, agad na bumalik ang atensyon ko sa mga bisita, pero hindi ako mapakali. Ang ganda ni Stacey at ang mga kilos niya ay parang nag-uudyok sakin na sundan siya kaya nag paalam ako sa Lolo niya. Nang pumayag ito ay mabilis akong naglakad sa direksiyong pinuntahan nito at sa pagdating ko sa hall, nakita akong may isang high profile na bisita ang nakaharang kay Stacey.
BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see Aiah beg? cry, or better yet beg.