THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
------------
Chapter 4
Mikha Lim.
Kagabi pa ko badtrip dahil sa babaeng yun. Akalain mo nga naman sobrang hirap intindihin.
Now I wonder kung bakit ko nagustuhan yun eh sobrang arte naman! Paano ko kaya napagtiisan yung ugali niya na yun?
Bumalik ako sa realidad ng marinig ang galit na boses ni Maloi. Napahawak ako sa sintido ko at marahas na huminga.
Ano na naman kaya ginawa ni Lieutenant Vergara rito?
Tumayo ako at nag lakad papalabas ng Quarters namin, sumandal ako sa may pintuan at mula rito ay kitang-kita ko kung paano asarin ni Vergara si Maloi.
"Colet, seryoso ka ba? Pwede ba, wag mo akong guluhin ngayon. Hindi ako nakikipagbiruan!!" galit na sabi ni Maloi, halata sa mukha niya ang inis pero pilit pinapakalma ang sarili.
Tumawa si Vergara at ipinatong ang ng braso sa inuupuan ni Maloi.
"Aba, defensive ka agad!" ngumisi ito. "Relax ka lang, baka kasi kulang ka lang sa tulog. O baka naman sa... lambing?" nakangiting sabi niya, nang aasar ang ngiti sa labi nito.
"Colet, sinasabi ko na sa'yo... Kung gusto mong hindi ka masaktan, tumigil ka na." pikon na pikon na si Maloi. Medyo naaliw naman ako sa kanila kaya nag pasya akong panuorin sila.
Sige Vergara.. tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Napangisi ako sa naisip. Kilala ko si Maloi, konting tulak nalang at sasabog na 'to base na rin sa itsura nito.
"Uy, grabe ka naman. Natatakot na ako! Ano, sasaktan mo ako? Ganyan na ba tayo ka-close?" pang-aasar pa nito at inis'stretch ang mga braso na akala mo nag hahanda sa isang laban.
"Kung ayaw mong makatikim, Colet, tumahimik ka na. Hindi ko na kayang tiisin 'tong kakulitan mo." umismid pa si Maloi nang sabihin niya 'yon.
Wag mo na pigilan ang inis mo Loi. sabi ko pa sa isip ko.
Pero parang hindi naman natakot si Vergara at mas lumawak pa ang ngiti.
"Alam mo Maloi, ang cute mo pag galit. Yung mukha mo para talagang-" natigil siya nang tumayo si Maloi at hinaklit siya sa damit niya.
"COLET!! tumigil ka na!! pikon na pikon na kayo sayo!!" sigaw niya. Pero imbes na matakot si Vergara ay mas ngumisi pa ito.
Aba? Tibay mo lods ah.
"Eh? Bakit totoo naman-" hindi pa niya natapos ang sasabihin dahil sinuntok na siya ni Maloi sa mukha. Mukhang hindi siya handa dahil na paatras siya sabay hawak sa gilid nang labi niya. Gulat na gulat siya, siguro hindi niya akalain na gagawin talaga ni Maloi yung sinabi.
"Aray naman! Grabe ka naman, hindi ko akalain na aabot sa suntukan 'to." natatawang sambit niya, pero kita ang sakit sa mata. I think nasaktan talaga siya sa suntok ni Maloi.
Deserve. Asarin mo pa yan. Hindi mo ba alam na nawawalang kapatid ni Bruce Lee yan?
"Ano?! Gusto mo pa ba ng isa? Bakit ba kasi hindi ka marunong tumigil!!" singhal pa niya.
BINABASA MO ANG
Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see Aiah beg? cry, or better yet beg.