Chapter 12

67 9 1
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.




----------





Chapter 12

Aiah Arceta.


Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang nag biyahe kami pauwi mula sa event. Nakatingin ako sa labas ng bintana, pero ang isip ko ay kung saan saan na napupunta. Si Sergeant Apuli naman ay nakatuton ang tingin sa daan, pero panay tingin nito sa rearview mirror na parang may tinitignan.


Bigla akong kinabahan nang makita ko na bumilis ang takbo ng kotse. Hindi naman kasi siya nag sasalita at tahimik lang, pero biglang naging alerto si Sergeant Apuli. Napansin ko rin na may isang kotse na sumusunod samin sa malayo, at lumipat-lipat ito ng lane. Sinikap kong huwag mag-panic, dahil may kasama naman ako pero-paano? Kung ang kasama ko ay parang may sariling mundo.



"Miss Arceta, may napapansin ka bang kakaiba?" kalmadong tanong pa niya. Seryoso? Sa ganitong sitwasyon ay kalmado pa rin siya.




"O-oo! Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko. Hindi na siya ulit sumagot at dumiin ang tapak sa gas acceleration.




"May sumusunod sa atin. Kailangang maging maingat." kaswal na sabi niya.




"Eh?! Bakit parang kalmado ka pa dyan?!" medyo nag taas ako ng boses dahil sa takot.





"Walang mangyayari kung magpapanic ako." simpleng sagot niya. "As your bodyguard, I need to stay calm so I can think straight, and don't worry I won't let you get hurt." explain pa niya sakin.





Ay letse talaga!!! Ano bang ginagawa niya? Mamamatay na ko sa takot tapos siya kalmado pa rin!





Agad na kinuha niya ang radio at nagbigay ng signal kay Sergeant Robles, Sinabi niyang bumaba ng bilis at maghintay sa isang ligtas na lugar.






"Sergeant Robles, may sumusunod sa amin. Maghanda ka at sumunod sa plano." deretsong sambit niya bago hinagis sa dashboard yung radio.






Unti-unting na ko naiiyak sa takot habang ang puso ko ay nag-uumpisa nang tumibok ng mas mabilis.





"Ano ang gagawin natin?!" tarantang tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa daan. Buti walang nang sasakyan at bukod tanging ang sinasakyan namin at yung sumusunod samin ang kotse.






"Miss Arceta, manatili kang alerto. Kapag umabot tayo sa isang ligtas na lugar kung nasaan nag hihintay si Sergeant Robles, sumakay ka sa kotse niya, ako na bahala sa nakasunod satin, susundan kayo ni Maloi at Maki." bilin pa niya.





"P-paano ka?" gulat na tanong ko. Wala naman siyang kasama dahil si Mikki ay hinatid si Manager.






"Kaya ko sila... I think nasa dalawa o tatlong tao lang ang sakay nyan." sabi niya. "Kung barilan lang, kaya ko sila tapatan kahit mag-isa lang ako."






"Eh paano kapag suntukan?! Wag mo na sila harapin! Sumama ka na samin! Papalitan ko yang kotse mo!" sabi ko pa.





Umangat ang sulok ng labi niya. "Miss Arceta. kung suntukan lang, kaya ko pa rin sila. At hindi ko iiwan ang kotse ko." sabi niya. Napasapo ako sa noo ko, kahit nasa panganib ay kotse pa rin ang nasa isip niya.






Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon