Chapter 20

37 6 2
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.


[ PS! ito pala yung scene nung nakita ni Mikha si Akira na lumabas galing sa house ni Aiah. ]





Chapter 20




Aiah Arceta.



Nasa kwarto na ko, nag-iisa, pero parang ramdam ko pa rin ang init ng yakap ni Mikha. Hindi ko maiwasang mag-isip sa bawat salita at haplos na binitiwan nito kanina. Parang naiwan sa balat ko ang bawat segundo ng yakap niya sakin, at sa kabila ng katahimikan ng paligid, halos naririnig ko pa rin ang boses ni Mikha, seryoso pero malambing.





Napangiti ako habang gumugulong sa kama, kahit na sinusubukan kong itago ang kilig ko. Tumitig ako sa kamay ko na parang nagpipigil hawakan ang sariling dibdib—dun sa lugar kung saan naramdaman ko ang tibok ng puso niya habang magkayakap kami kanina. Para bang hindi lang yakap ang iniwan sakin, kundi pati ang pakiramdam na makulong ulit sa yakap niya.




"Ay nako! Mikha Lim!" natatawang sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa unan. "E, binabaliw mo na naman ako!" reklamo ko pa at sinubsob ang mukha sa unan.




"Ano bang nangyayari sakin diba galit ako sayo?" bulong ko sa sarili at pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi. Pero—alam kong kahit gaano ko pa itanggi, hinding-hindi maaalis sa isip ko ang nangyari kanina, at lalo na ang yakap niya na tumimo sa puso ko.






Tahimik na nakangiti pa rin ako habang nakayakap sa unan, ninanamnam ko ang alaala ng yakap ni Mikha sakin. Para bang may kung anong init ang naiwan sa mga braso at likod ko, at sa bawat hinga ko, parang bumabalik-balik ang boses ni Mikha sa isip ko.






Bigla akong napabalikwas nang marinig ang magaan na katok sa pinto.



"Miss Arceta?" tawag ni Maloi mula sa labas. "May bisita ka. Si Akira daw." aniya pa.




Nanlaki ang mga mata ko, agad akong bumangon at inayos ang buhok na kanina ko pa hinahawi sa likod ng tainga ko. Bigla akong kinabahan, dahil sa kasalukuyang bisita at naiinis dahil sa biglang pagkabasag ng kilig ko dahil sa pagdating ni Akira.






Ano bang problema nito? Hindi ko naman sinabing pumunta siya at lalong hindi ko siya pinapapunta!









Pumihit ako papunta sa pinto, pilit na sinisikap ipakita ang isang kalmadong mukha at bago ko pa buksan ang pinto tumingin muna ako sa salamin sa gilid, para siguruhing walang bahid ng pamumula ang pisngi.




Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto, pilit na inaalis ang isip kay Mikha at ang init ng yakap nito na para bang nakayap pa rin sakin. Pagbaba ko sa living room, nakita ko si Akira na nakaupo kasama ang kanilang mga manager kasama din nila si Sheena na abot tainga ang ngiti. Alam kong si Sergeant Apuli ang pinunta nito sa bahay eh.




Nakatayo naman sa gilid sina Agent Mikki, Agent Maki, Agent Jeremy at si Sergeant Ricalde na naka-cross arms habang tahimik na nagmamasid sa paligid.





Mukhang badtrip si Sergeant Ricalde ah?




Lumingap ako sa paligid at napansin na wala si Sergeant Apuli, Sergeant Robles at Lieutenant Vergara. So? Hindi pa sila nakakauwi?





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon