Chapter 6

46 9 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.


--------




Chapter 6

Mikha Lim.

Hindi na ko bumalik sa bahay ni Aiah pero mahigpit ang naging bilin ko kay Jhoanna-na wag na wag papabayaan si Aiah lalo na at delikado ang buhay nito.

Subukan lang talaga nila pabayaan si Aiah.. yari talaga sila sakin. Bakit ba naman kasi ngayong gabi ang unang meet-up samantalang bukas ng gabi kami ihahatid ng mga tao ni Vargas sa mismong port kung saan dadaong. At tatlong araw pa kami makikisama sa mga kutong-lupa na 'to dahil tatlong araw pa bago dumating yung shipment.

Seryoso ako habang nakaupo at tinitignan ang mga plano at blueprints ng warehouse na target ng operasyon, si Vergara naman ay nakaupo sa isang mesa, pinagmamasdan ang mga pekeng ID, pasaporte, at iba pang gamit para sa undercover identity namin. Tahimik ang room pero ramdam ang tensyon sa pagitan namin.

Napansin ko na sumulyap ito sakin sabay sungaw ng mapangasar na ngiti. "Kailan ka pa naging ganito ka'seryoso, Lim? Parang mas kinakabahan ka pa kaysa sa akin." natatawang tanong pa niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa mga plano namin. "Hindi 'to laro, Vergara. Kapag pumasok tayo sa loob ng sindikato, hindi natin alam kung sino ang mapagkakatiwalaan. Isang maling galaw, tapos tayo." sagot ko sa kanya. Iritado na ang boses ko at naiinis na ko sa kanya.

Itinaas niya ang pekeng ID at tiningnan ito nang mabuti, binabasa ang bagong pangalan na ibinigay sa kanya-"Pierce Cruz." anya pa.

"Alam ko. Pero ito ang trabaho natin, Lim. Alam kong may panganib, pero kung hindi natin gagawin 'to, lalong lalakas ang sindikato ni Vargas. At sa pagkakataong ito, hindi lang droga ang kalakal nila-may balita na pati armas ay ipapasok." sabi niya sa seryosong tinig.

Napahinga ako nang malalim. Tama si Vergara, pero hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko, Kilala ko ang brutal na reputasyon ni Vargas, at alam kong walang espasyo para sa kahit anong pagkakamali.

Napa-isip ako, dati naman ay hindi ako ganito, hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong takot pero ngayon. Natatakot ako dahil baka hindi ko na siya makita.

Si Aiah... Kailangan pa ko ni Aiah.

"Kailangan nating maging sigurado sa lahat. Pagpasok natin sa loob, dapat wala ni isang makakaalam na tayo ang ipinadala sa undercover mission na 'to. Ang priority natin ay makuha ang tiwala ni Vargas. Pero tandaan mo-huwag tayong masyadong mapapalapit. Alam nating hindi siya madaling lokohin." seryosong sabi ko.





Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, ini-stretch ang kanyang mga braso at tumingin sa sarili sa salamin. Suot niya na ang isang leather jacket, punit na jeans, at combat boots-mukhang isa nang miyembro ng sindikato.

Tumayo na rin ako at sinuot ang leather jacket. Inayos ko pa ng mabuti ang suot kong combat boots.

Narinig ko ang pagtawa niya sabay tingin sakin. "Bagay ba? Para bang isa na akong pusher o gangster?" tanong pa niya.


Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon