Chapter 14

56 10 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.




-----------





Chapter 14

Jhoanna Robles.

Sa room ako ng hospital, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Gwen. Mataman kong tinititigan ang kaibigan na ngayon ay payapang natutulog matapos ang operation nito. Habang iniisip ko kung kailan pa ba huling nangyari ang ganitong sitwasyon samin, narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Kaagad ko yun kinuha, Isang text mula kay Colonel Lim.

Halos mabitawan ko sa gulat yung phone ko nang mabasa yung text sakin ni Colonel Lim. Para akong nang hina habang pinoproseso ko ang nabasa at hindi ko alam kung iiyak ako pero hindi ako pwedeng umiyak.

Nandito si Maloi... Ayokong mag alala siya.

Dinala sa hospital ng Nueva Ecija sina Colet at Mikha dahil sa mga tama ng baril sa kanila. Mukhang malala ang engkwento nila sa mission. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin kay Maloi 'to, hindi ko rin pwedeng sabihin kay Miss Arceta. Ano ba alam niya sa trabaho namin?

At ang masaklap pa.... Critical si Colet... Dahil niligtas niya si Mikha.

Natural na gagawin ng isang nakakatandang kapatid. Nakagat ko ang labi ko sabay iwas ng tingin. Nasa hospital din si Gwen. Anong gagawin ko?

Kahit gustong-gusto ko puntahan sina Colet ay hindi pwede dahil may assignment kami. Hindi ko pwedeng pabayaan si Miss Arceta—pati si Maloi dahil kahit sabihin ko pang matapang si Maloi alam kong hindi niya kakayanin kung malalaman niya yung nangyari kila Mikha sa mission, sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa kanya dahil baka mag break down siya.

Naibagsak ko yung phone ko kaya nakuha ko yung atensyon niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, Pupulutin pa sana yung phone ko pero pinigilan ko siya. Hindi niya pwedeng makita yung text ni Colonel Lim. Kaya't mabilis kong itinago ang cellphone sa bulsa ko, umaasang hindi na ko kukulitin nito.

"Bakit Jho?" tanong niya sakin. Napatingin ako sa kanya. Namumugto yung mata niya at medyo paos na yung boses. Nailipat na si Gwen sa private room at nag papagaling nalang.

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa kanya. "Jho?" untag niya sakin at bahagyang lumapit pa pilit niyang kinukuha yung phone ko pero umiwas ako.

"Loi... Bumalik ka muna sa bahay ni Miss Arceta." sabi ko sa kanya, dahil kung babalik siya sa bahay ni Miss Arceta ay makakalusot ako papuntang Nueva Ecija, Bumakas ang pagdududa sa mukha niya.

Sana lang maniwala siya dahil hindi siya agad agad naniniwala. "Wala, Maloi. Wag mo nang alalahanin, okay? Aayusin ko na 'to."

Please... Wag ka na mag tanong Loi. nasabi ko sa isip ko.

"Saan ka muna pupunta?" tanong niya sakin. Tumayo siya at pilit na inagaw yung phone ko. Hinuli ko yung mga kamay niya.

"Loi.. please, pagod ka na rin diba? Anong oras na.. 3:00 am na." sabi ko pa sa kanya. Umiling siya sakin.

"O-okay lang ako." tanggi niya, tinulak niya ko ng konti at pilit inabot yung phone ko sa bulsa ko. Napapikit ako sa kakulitan niya. Alam kong pagod na rin siya pero nandito rin siya ngayon sa hospital at ayaw mag pahinga.

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon