Chapter 17

65 9 1
                                    

Chapter 17

Aiah Arceta.

Oh my god! Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko yun.

If we're talking about body, you got the perfect one...

So she means.. I have a perfect body?

I held back my smile because I didn't want her to see that I was affected by her simple compliment.

This girl is driving me crazy again.. Wag kang ganyan lods, baka ibigay ko sayo sarili ko.

Pero nagulat ako nang mag salita siya ulit.. Puno ng inis ang tinig.


"Magaling ka pa ring magpanggap, Aiah." malamig na sabi niya sakin. Napahinga ako ng malalim, mukhang ioopen na naman niya yung pag-kakamali ko.

"Trabaho lang to, Mikha," sabi ko, sinubukang gawing kalmado ang boses ko.

She smirked. "Trabaho? So trabaho mo na rin pala ang idate ang katrabaho mo." she asked sarcastically. I can see the annoyance on her face. What else does she want?

"Alam mo, Aiah." matalim na simula niya. "Akala ko noon, iba ka sa lahat. Pero ngayon, sino ka na? Kumakapit sa mga sikat na lalaki para makakuha ng atensyon o kaya naman nagpapakita ng katawan para lang pansinin. Para saan? Para makakuha ng maraming endorsement?" mapanginsultong tanong niya. Kahit na kakalabas lang niya sa hospital ay talagang matabil ang dila niya.

Pero ayoko siyang sabayan..

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko sa insultong iyon, pero pinilit kong manatiling kalmado. "Trabaho 'to, Captain. Hindi mo naiintindihan-"

She cut me off. "Hindi ko naiintindihan?" sabi niya at tumawa nang malamig at mapang-asar. "Aiah, magtigil ka. Pati ba naman sa sarili mo nagsisinungaling ka pa? Wag mong gawing palusot ang 'trabaho' para sa kalandian mo."

Napatitig ako sa kanya, Hindi ko alam kung ano ang kinakagalit niya. Ang laki nang pinagbago niya, Parang hindi siya ang taong dati kong minahal at nakasama sa mahihirap na oras.

Ngayon ang mga mata niya ay punong-puno ng inis at galit. Akala ko titigil na siya pero hindi.

Nag salita pa siya ulit.. Mga salitang nanakit sakin.

"Kahit kelan, hindi ka naging totoo, Aiah. Palagi kang nagpapanggap, palagi kang naghahanap ng pansin. Kaya siguro hindi ka na talaga magbabago. Ganito ka talaga-ang landi mo."

Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng mga panlalait na tinatanggap ko mula sa kanya. Bawat salita niya parang kutsilyong tinatarak sakin. Alam ko naman na gumaganti siya sakin.

Pilit kong pinipigilan ang pagluha. "Captain Lim, hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang dahilan ko." mahinang sabi ko.

"Dahilan?" muling sambit niya, puno ng pagkutya sa boses. "Hindi mo kailangang magbigay ng dahilan. Nakikita ko naman kung sino ka na ngayon, Miss Arceta." malamig na turan niya.

To my annoyance because she despised me. I spoke. "Captain Lim, can't you separate personal reasons and work? Be a professional." sabi ko. Hindi siya nag salita at tinitigan nalang ako.


Pagkatapos ng mapanlait na mga salita niya, tahimik akong nag lakad papalayo, pilit kong pinapanatili ang dignidad ko kahit parang gumuho na ang lahat sa loob ko. Hindi ako tumigil hanggang hindi ako nakapasok sa dressing room, at nang maisara ko ang pinto, bigla na lang bumigay ang mga tuhod ko.

Dahan-dahan akong bumagsak sa floor at doon, hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pilit na kinokontrol. Naramdaman ko ang bigat ng bawat sinabi ni Mikha sakin na para bang pinagduduro ako ng mga salitang hindi ko kayang itanggi, kahit alam kong hindi 'yon buong katotohanan. Tahimik akong umiiyak, pinipigilan ang sarili kahit masakit na masakit na ang dibdib ko.


Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon