Chapter 8

64 11 2
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.



------------







Chapter 8

Aiah Arceta.

Sa kalagitnaan ng event, napansin ko ang pagbabago sa aura ni Sheena. Mula sa saglit na pag-alis nito papuntang restroom, bumalik ito na may kakaibang ngiti, isang uri ng ngiting para bang may nakita itong ikakasaya nito.

Habang busy ako sa pag ngiti-ngiti at pakikipag-usap sa mga high-profile na bisita, hindi ko maiwasang mapaisip kung nasaan si Mikha..  Ramdam ko ang bigat ng gabi at ang pagod sa likod ng bawat ngiti ko. Gustong-gusto ko nang makalayo sa mga camera at mula sa mga sapilitang pakikisalamuha para makauwi na.

Napapagod na ko...

Pero heto ngayon si Sheena, nakatitig sakin, parang masayang-masaya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napabuntong-hininga ako.

Kung hindi lang sana ito isang mahalagang gabi para sa career ko, kanina pa sana ako umalis. Napatingin ako kay Stacey na pilit nalang din ngumingiti pero ang mga mata niya may bahid ng pagod.

"Mukhang napagod ka na," bulong ni Sheena habang nakangiti pa rin, tinatapik ako sa braso nang hindi nakaka-akit ng pansin mula sa mga camera sa harapan namin.

"Napansin mo pa." sagot ko, pilit na pinapanatili ko ang pormalidad sa boses habang pilit ding pinipigilan ang ngiti. "Kailan kaya tayo makakauwi?" tanong ko pa.

She laughed. "Sige lang, tiisin mo. Baka may magandang mangyari bago matapos ang gabi."

May kung anong pilyang ningning sa mga mata ni Sheena. Naisip ko na tama si Sheena baka bago matapos ang gabing 'to ay may mangyaring maganda.

Sana si Mikha ang sumundo sakin..

Habang tumatakbo ang oras sa event, napansin ko na lalo pang lumalalim ang ngiti ni Sheena, lalo na nang simulan nitong magkuwento samin ni Stacey.

"Girls, alam nyo may nakilala akong kanina, Isa sa mga security elite officers dito." panimula niya may kinang sa mga mata nito habang nakatingin samin.

Hindi naman siguro si Mikha yung tinutukoy niya no?

"Nakakatuwa siya, parang ang tapang pero kalmado," patuloy pa niya at di niya napigilang mapakagat-labi, bahagyang nangingiti at halatang kinikilig. "At ang tindig niya, my god! Parang tipong palaging handa akong protektahan." aniya pa.

Napalunok ako sa sinabi niya, bigla tuloy akong nag overthink na baka si Mikha yung tinutukoy niya.

Napansin ko ang kasiyahan sa boses ni Sheena at kahit pa na wala siyang sinasabing name ay nakakaramdam ako ng kirot, parang may kumurot sa dibdib ko. Mahinahon akong ngumiti habang pinipilit manatiling kalmado ang reaksyon ko.

Tumawa si Stacey. "Mukhang talagang nagustuhan mo siya, ha. Baka naman may something na agad?" pang-aasar pa niya kay Sheena.

"Huy, hindi naman! May boyfriend ako!" sagot ni Sheena tanggi niya pero halatang may bahid ng saya sa boses. "Pero iba talaga eh. Alam mo yung pakiramdam na safe ka? Parang walang mangyayaring masama habang nandiyan siya. Saka ang galing niya makipag-usap, parang…"

Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon