~~smile 3

34 0 0
                                    

Chapter 3

--Eloisa’s PoV--

“weeeee”

Isinalampak ko ang sarili ko sa kama ko. At alast nakahiga na din ako. Nakakapagod din tong araw na to, ang dami naming ginawa, ganito ba pag malapit na graduation? Waaaa. Kapag iniisip ko na malapit na ang graduation day na eexcite ako. Sino ba namang hindi diba? Atlast magka college na ko, panibagong chapter ng buhay. Nakakalungkot lang din dahil iiwan mo na yung naging pangalawang bahay mo, yung mga naging kaibigan mo, yung mga taong nakasama mo sa lahat ng kalokohan, kasiyahan, katamaran, hahaha. Ang sarap talaga maging high school. Pero syempre hindi naman forever high school at masasabi kong naging sobrang saya ng high school life ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at nangiti. Sa loob ng apat na taon hindi ako nagka boyfriend. Hahaha, maraming nanliligaw sakin but wala sa isip ko mag boyfriend, pero kinikilig ako sa mga crush ko na nanliligaw sakin na todo um-effort. Pero wala e, hanggang crush lang talaga. Naalala ko bigla si Alvin. OHMYGOSH…liligawan kaya ako nun? Sana, nafi feel ko kasi na sya yata ang makaka break ng pagka NBSB (no boyfriend since birth) ko. Wahahaha ang landi ko naman. Eloisa Tiu is inlove with that Alvin. Ang bilis. Ganito pala talaga ang ma in love. (*^_^*) makatulog na nga, antok lang to.

______________________

Kriiiiiiiiiiiiiiiiing…..

“Uwaaa!! Bell na hindi ko man lang nakita si Labo!” i mean si Alvin, labo kasi naka eyeglasses sya. Ang aga ko pa naman kasi baka makita ko ulit sya tapos makapag usap kami, alam mo yun? Pero ni anino nya hindi ko naramdaman, toinks! Anino nga diba... One week na ang nakalipas simula nung nag hi sya sakin sa study area. Hindi ko na ulit sya nakita.  Bakit ko ba sya hinahanap? First time kong naramdaman itong ganitong feeling, yung ako yung naghahanap sa guy. Syempre si Chris Tiu, hinahanap ko talaga sya, alam ko lahat ng schedules ng games nya sa basketball, tv hostings and appearances at pati mall shows, imma BIG Fan yah know..

Si Janelle hindi pumasok ng 3days, bakit kaya? Kung kelan namang Friday pumasok na sya pero hindi ako kinakausap, pag lalapitan ko sya bigla syang lalayo. Pinabayaan ko muna sya, baka may problema or something, kakausapin din ako nun.

Pumasok na ko ng room at umupo sa tabi ni Janelle, nginitian ko sya but I receive no response from her, even a smile wala. Tumungo lang sya at nagbasa ng notes nya. Kakausapin ko pa sana sya, kikilitiin, kukulitin and such pero dumating na yung teacher namin at nagstart na yung klase. Ano kayang problema nitong kaibigan ko? Hindi pumasok from Tuesday-Thursday tapos hindi na ko pinansin. Ang seryoso ng itsura nya, huli ko syang nakitang ganyan nung hindi pa kami magka kilala. Actually ako lang ang kaibigan nya dito sa room, ako lang yung unang kumausap sa kanya nung una dahil nilalayuan sya ng iba naming classmates. Sabi kasi nila noon masama daw ang ugali nya but I prove them wrong dahil naging mag kaibigan kami ni Janelle at wala naman syang ginagawang masama sakin o kahit kanino man. Kakausapin ko nalang sya mamaya ng maayos kung ano ang problema nya, magfofocus muna ko sa lecture namin dahil napaka interesting.

_____________

Kriiiiing.. nag bell na ulit. Recess na. Lumingon ako lay Janelle para kausapin sya pero ngumiti lang sya sarcastically at lumabas na ng room. Hindi ko na sya sinundan, tumahimik nalang ako. Lumapit sakin si Ryan, isa sa mga close friend ko here.

“hi friend. Gora na! merienda tayez.” Bakla si Ryan pero ok lang, I have nothing to deal with gays. Niyaya nya kong kumain sa canteen.

Pagpunta namin dun nakita ko si Labo, I mean Alvin pala. Nakatayo siya sa malapit sa kabilang pintuan ng canteen, may kausap syang malanding babae (halata naman kasi), si Alvin naman mukhang naiilang sa ginagawa ng kausap nya. Pano ba naman may pahawak hawak ito sa braso ni Alvin, hmmp pinagtitinginan sila.

YOUR SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon