Chapter 14
--Edward's PoV--
Nakatayo ako sa may gilid, nagtatago. Mukha kong stalker.
Pinapanood ko lang ang mga kaganapang hindi ko kayang makita.
"Eloisa I love you."
Nagtapat na si Alvin kay Eloisa.
Ano naman ngayon kung nagtapat na sya? wala akong pakelam dun.
Pero si Eloisa, kita ko kung gaano sya kasaya. Nakahawak sya sa kanyang dibdib, nakangiti habang nakatingin sa kalangitan. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Sobrang saya nya.
Gusto kong lumapit, gusto ko hilahin palayo, gusto ko sya ipagdamot kahit ngayon lang.
Pero sino ako para gawin yun sa kanya? Ano ako sa kanya?
--FLASHBACK--
"Eloisa wala ba talaga akong pag asa sayo?"
"Edward, you know I like you.... As friend. Yun lang."
--END OF FLASHBACK--
Siguro nga wala akong space sa puso nya. Siguro nga hanggang kaibigan lang ang tingin nya para saken.
Mahal din kita Eloisa. Kung pwede lang diktahan o utusan ang puso ko na hindi kana mahalin. Pero hindi naman yun pwede, at ganun din. Hindi mo pwedeng utusan o diktahan ang puso mo na ako nalang ang mahalin. Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Masakit man Eloisa pero masaya ako dahil masaya ka. Siguro nga hindi ako yung taong makakapagpasaya sayo, hindi ako yung taong makakapagbigay sayo ng ganyang ngiti.
Tumalikod na ko at umalis. Hindi ko na kailangan makita ang mga susunod na mangyayari.
Parang sa movies.
Haharap si girl kay boy, magyayakap, tapos magkikiss. And they live happily ever after.
Ouch!! Sakit nun ha. Buti pa sila may happy ending.
Teka nga bakit ko ba iniisip yun?
Tinuloy ko na ang paglalakad ko palabas ng school. At alam nyo yung nakakaasar? Umuulan pala!! Actually kanina pa to pero ngayon ko lang napansin. Aist !!
Siguro magkayakap na sila sa gitna ng ulan. Ang cheesy!!! Tapos ako, ito naglalakad sa ulan.
I'll make sure that this is the last time that I'll be rejected. I'll make myself better not for anyone but for myself.
Whoa...... Ang drama ko naman.
"Hey. You're makin' yourself sick." may biglang lunapit saking foreign girl at pinayungan ako.
"Sino ka naman?" I ask her. She stopped walking.
"I'm Peach Amber Alexanderson. Call me Peach, Amber (eymber) or Alex. Anything." she said. "Help me please. I think I'm lost." she said with puppy eyes. Awwww so kyot. >:)
"Ha? a-ah. Sige bahala ka. Pero daan muna tayo sa bahay namin, kailangan ko magpalit."
"Yey!!!!!"
Grabe sobrang daldal ng babeng to. Ang dami nyang kwento. Tungkol sa childhood nya, embarassing moments, lovelife, school life. Natatawa nalang ako sa kanya.
Nasabi nyang galing sya sa Canada. She travel here alone. May kailangan daw syang i-meet na family.
I dunno pero sa halip na mairita ako sa babaeng to ay natutuwa pa ko. Hindi sya boring kasama. She talk to much, laugh much and she's pretty ha.
Sa wakas nakarating na kami sa bahay.
"Sir Edward nandito na po pala kayo. Sabi ng papa nyo puntahan nyo daw sya pagkauwi nyo."
"Ah ganun po ba? Nasan si dad?"
"Sa garden po."
"Ok. Oh Peach dito ka muna ha."
"Ok. I'll wait :">"
Tumungo muna ko sa kuwarto ko para magpalit. Basang basa kaya ako. Pagkatapos ay pumunta na ako kay Daddy. I heard his talking to someone over the phone.
"Yes Iha. What? You're lost? Stay there. I'll catch you up with my son. Ok be careful."
Humarap si dad sakin.
"Oh anak nanjan kana pala. Ang tagal mong umuwi. Halika may susunduin tayo."
"Sino dad?"
"Basta. I know you're gonna like her."
"Wait dad, ano kasi, may bisita ako. Nawawala sya. Tutulungan ko sana."
"Ha? Wrong timing naman yan nak. Oh ganito nalang, puntahan muna natin yung susunduin natin pero isasabay na natin yang bisita mo and then ihahatid natin sya. Ok ba yun?"
"Ok dad. May choice ba ko?"
Ang kulit ng daddy ko makipag usap, feeling bagets. Sobrang kulit nyan. We treat each other like barkada lang. Pero syempre hindi mawawala yung respeto ko kay dad. I always enjoy bonding with him.
"Nasan ba bisita mo?"
"Sa living room dad."
"Ayieeee. Dalaga na si Edward may manliligaw na hahahahahaha."
"Ah Dad...." tumigil sya sa pagtawa. Sumeryoso din sya katulad ng pagseryoso ng mukha ko.
"Oh? May problema ba nak?"
"Ah wala naman dad. Payag na ko, sama na ko sayo sa Canada."
"Huh totoo ba yan nak? Good decision, I'll make sure you won't regret it. Pero what makes you change your mind?"
"Nothing. I just want to be with my Dad."
Napangiti si Dad sa sinabi ko. Ang sweet ko namang anak.
"Tara na nga!"
Pumunta na kami sa living room. Feeling ko may kakaiba dito sa araw na to.
"Uncle Rick!!!!!"
"Amber?! Amber ikaw nga."
Napatalon sa tuwa si Peach nang makita ang daddy ko. Nagyakap naman sila ng makalapit sa isa't isa. Si daddy nagtataka ang itsura pero natutuwa. Ok. What is the meaning of this?
"Edward, wala na pala tayong susunduin. Nandito na e."
"So ikaw pala ang susunduin ni dad na nawawala? Coincidence ha. Ang lakas maka teleserye."
Biglang tumahimik.
Nakatingin lang si Dad sakin tapos titingin kay Peach tapos sakin ulit tapos sa kanya. Then he said...
"No Edward. There's no such thing as coincidence. Happy happens for a reason."
Napakunot naman ako ng noo. Bakit nasabi ni Daddy yun. Si Peach naman nakangiti lang pero nakatungo.
Tumalikod si Daddy. Aalis yata. Iiwan kaming dalawa. Pero may sinabi syang lalong nagpa confused saken.
"So destiny really works!!!"
Naiwan kami ni Peach.
Nakatingin sya sakin, smiling.
Ako naman, still confused..
What's going on?????
BINABASA MO ANG
YOUR SMILE
HumorWhen the NBSB meet her oooh so gwapo and oooh sa hot boylet. First Love. First Kiss. First Kilig Moments. pero pano nya iha-handle ang problema pagdating sa kanyang first love? ________________________________________________________________________...