Chapter 10
--Author’s PoV--
Matapos ang mga pangyayari sa canteen, hindi na pinasukan ni Eloisa ang mga susunod na klase. Pumunta sya sa auditorium, good thing at walang tao doon. Tinext din nya si Janelle na puntahan, kailangan nya ng kausap. Agad naman itong nagmadali na pumasok sa school.
Bakit ganun? Bakit parang hindi si Alvin yung kausap ko kanina? Iyon ba ang totoong Alvin? Yun ba yung totoo nyang ugali? Hindi, hindi si Alvin yun for sure. Baka kinidnap yung totoong Alvin ng mga alien at dinala sa Andromeda Galaxy para lahian sila. Ang ganda kasi ng lahi ng nilalang na yun. Shemay naman, bakit ganito? Para akong pinaasa sa wala! Bakit iba yung pakiramdam ko, parang tinutusok yung dibdib ko ng paulit ulit. Iba e, I’ve never been into this situation. Shemay lang talaga!! Ngayon ko lang naramdaman to, na-reject ako…………… …… na-reject ako ng taong mahal ko!! Korni!! Hay, ang bigat talaga sa pakiramdam. Iiyak na ba ko?
Bigla namang bumukas ang pinto ng auditorium.
“Best!!!” agad syang nilapitan ni Janelle. Niyakap sya nito at bigla nalang syang napaiyak.
“Sige best iyak lang, labas mo lang yan.”
“Best! Sakit e, perstaym ko mainlove, umasa ako.”
“Sshhh.. ano ka ba, wala naman syang sinabing hindi ka nya gusto diba? baka may problema lang yun.”
“Huhuhuhu TT.TT”
Bumukas muli ang pinto ng auditorium.
“Eloisababes!!!”
Agad namang pinunasan ni Eloisa ang mga luha at inayos ang itsura.
“Umiyak ka ba? Ok ka lang? ano, gagantihan ko na yung siraulong Alvin na yun.”
Ngumiti si Eloisa, isang pilit na ngiti. Sinubukang nyang wag ipahalata na malungkot sya.
“Ano ka ba hindi ako umiyak, sinusubukan ko lang yung contact lens ni Janelle. Ang hapdi pala, ayun tinago nalang nya.” tiningnan nya si Janelle ng please-agree look.
“ahhhh. Oo, oo ganun nga.” Bigla namang pinaghahampas ni Janelle si Edward.
“aray! Ahhh… oohhh, ar- aray ko tama na! bakit ba? Anong ginawa ko? aray oohh.”
“Ikaw! Nanggigil ako sayo! Wala gusto lang kita hampasin.” Nagkulitan, naghampasan, naghabulan si Janelle at Edward sa harap ni Eloisa.
Natawa naman si Eloisa sa ginagawa ng mga kaibigan. Napabuntong hininga nalang ito.
Hay. Buti nalang nandito si Janelle. Labs na labs ko talaga tong bestfriend ko e. hahaha, nakakatawa talaga silang dalawa.
“Alam nyo bagay kayong dalawa.”
“HUH?” sabay nilang sabi at napatigil sila.
“Sabi ko bagay kayo.”
Nag blush naman si Janelle at iniwas ang tingin kay Edward.
“Luhhhhh. Talande nag blush hahaha.”
“Eloisa stop it!! Hindi ko pa rin ipagpapalit yung ultimate crush ko noh.”
“hahaha bat ka namula? Ayieeee.” Singit ni Edward. “ano crush mo na ko ha?” pinaghahampas naman ulit sya ni Janelle.
“Ang kapal mo talaga. Kapal kapal kapal. Asa ka naman!!!”
“ouch oooh ahh aray!! Tama na ooh aray m-masakit.!! Asa ka din hindi ko ipagpapalit si Eloisababes sayo noh. Kay Eloisa lang ako.” sabay kindat kay Eloisa.
“Hahaha puro talaga kayo kalokohan. Tara na balik na tayo sa klase.”
Sakto naman at nagbell na para sa susunod na subject. Tumayo na si Eloisa, sinundan naman sya ni Janelle at Edward na nagkukulitan pa din sa likod nya. Natigilan naman ang dalawa sa paglalakad, napatingin sila kay Eloisa na sapu sapo ang noo.
“Best may problema ba?”
“Babes? Ok ka lang?”
Umiling iling naman si Eloisa, na out of balance sya dahil biglang nanlabo ang paningin nya at nakaramdam din sya ng kaunting hilo. Humarap naman ito sa kanila at ngumiti, isang pilit na ngiti.
“hehe. Nahilo ako bigla kaya na out of balance ako. tsaka ang init din kasi.”
“Babes hindi ka pa kumakain di ba?”
“ah oo nga pala. Tara kain nalang tayo. Wala na siguro yung mga chismosa sa canteen noh.”
“Hala!!! Si Eloisa. Bakit ka nagpapalipas ng pagkain ha?”
“Ito na nga po boss kakain na, tara na nga.”
Tsk. Sumakit ulo ko. Shemay naman. bakit bigla bigla naman? Hay. Alvin kasi e, nakalimutan ko tuloy kumain. Nahihimatay kasi ako kapag nalilipasan ng gutom, tapos sasabayan pa ng pagod, init ng ulo at panahon, at mabigat na kalooban. Pero minsan lang yun don’t worry hahaha. Ouch ouch!! Kumikirot yung bandang sentido ko. Sakit talaga. Si Alvin? Ano na nangyari dun? Hindi ko pa rin maisip kung bakit ganun yung in-act nya kanina. Hindi talaga sya yun, baka na-abduct na talaga sya ng mga alien, hay.
****
After ng recess ay hindi na din pumasok sa klase si Alvin. Nagi-guilty sya sa ginawa at sinabi nya kanina. Kita nya sa expression ni Eloisa na nabigla ito sa inakto nya at kahit sya sa sarili nya ay hindi nya alam kung bakit nya nagawa. Alam nyang nasaktan nya ang damdamin nito dahil, alam nya na nahuhulog na ito sa kanya.
Tapos na ang recess, bumalik si Alvin sa canteen upang mag isip at magpahinga, tamang lugar dahil wala masyadong tao. Pagkapasok ay nagulat ito sa nasalubong.
“Samantha?” sambit nya.
“Hey Alvin. I’ve seen the scene awhile ago.” She grinned at him.
“Ha? Teka bakit ka nandito? At anong nakita mo?” pagsasalita nya habang umuupo sa isang malapit na upuan at table.
“Yung eksena mo with Eloisa kanina.” She said while grinning at him.
“Huh?”
“You’re so rude pala Alvin. Papaibigin mo, tapos papaasahin mo. Well magaling ako jan, I’ll help you.”
“You slut! Don’t you dare touch Eloisa, or getting near her! Or else……”
“Or else what?”
Hindi alam ni Alvin ang gagawin. Inis, galit, guilt ang nararamdaman nya. Bigla syang napatingin sa taong kakapasok pa lamang ng canteen at…. O_O
“Eloisa…” agad syang tumayo at nilapitan ito.
“Eloisa let’s ta……” hindi nya naituloy ang sasabihin dahil kay Samantha. Lumapit ito kay Alvin at hinawakan ang braso nito.
“Hey babe. Why do you left me there?” Samantha said. Alvin gave him a what-are-you-doing-look. “oh! You’re Eloisa right? Thanks for taking care of Alvin ha.” Eloisa is shock. She can’t move a little. “Anyway I’m his girlfriend, I’m taking him back, so back off!!” then Samantha gave her an evil smile.
“Eloisa let’s talk, I’ll ex---” Again, He’s interrupted. Samantha pull him out of the canteen.
Oh sh*t! I hope Eloisa won’t believe my freak slut sister. I hope! Please Eloisa.
BINABASA MO ANG
YOUR SMILE
HumorWhen the NBSB meet her oooh so gwapo and oooh sa hot boylet. First Love. First Kiss. First Kilig Moments. pero pano nya iha-handle ang problema pagdating sa kanyang first love? ________________________________________________________________________...