~~smile 4

31 0 0
                                    

Chapter 4

--Janelle’s PoV--

Nandito ako ngayon sa may bench nakaupo kung saan madalas kaming mag hang out ni Eloisa kapag breaktime. Wala ng masyadong estudyante dito sa school dahil kanina pa nag uwian. Mangilan ngilan nalang ang nandito. May topak kasi ako kaya gusto kong mapag isa. Nadamay ko pa nga si Eloisa e, pero hindi ko sinasadya yun, ayokong saktan yung kaisa isang kaibigan ko dito. Mag sosorry nalang ako pag wala na akong topak. E kasi naman, hindi ko alam, nagmamaldita na naman ako ngayon, pinipigilan ko nga e.

“sigh” napa buntong hininga nalang ako.

“Janelle, nakakailang buntong hininga kana jan?” nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa tabi ko, si Eloisa. Kinabahan ako bigla, sasabihin ko ba ang problema ko o gagalitin ko sya para layuan ako? Nagkatinginan kami, binigyan ko sya ng isang malungkot na ngiti.

“uhmm. e- Eloisa sorry.” Yinakap ko sya at ganun din sya. “Hindi ko gusto yung ginawa ko. Don’t mis-interpret me.”

“Janelle, alam ko naman yun. Hindi ako galit sayo, nagtataka lang ako sa mga inaasta mo kanina. Please explain to me everything. Susubukang kong intindihin.” Ang bait bait talaga ni Eloisa, no doubt kung bakit ang daming kaibigan nito, ang daming suitors.

“Eloisa, sorry talaga. I’m so sorry. May topak lang kasi ako. Tsaka ayaw kitang masaktan kay lumalayo ako sayo.” tinanggal nya ang pagkaka yakap nya sakin, nakita ko sa expression ng mukha nya ang pagka lito.

“Ha? Bakit? Ano ba kasing problema? Tsaka bakit ako masasaktan?”

“Ha? Oo nga walang konek. ahh.. basta, hindi ko din kasi alam e. nagsimula lang to nung nakita kong may kaholding hands si crush.” Mula sa pagka serious ay shift yung expression ng mukha nya at tumawa.

“Mwahahahaha. So nagseselos ka? ayiee, ahaha. Hayaan mo na yun, hahanap tayo ng iba.”

“eee, ultimate crush ko kaya yun.” Si Patrick Allen Olayvar, ultimate crush ko yun e. Tapos ayun kasama nya yung ex-bestfriend ko, si Alisa San Miguel. Bakit ex-bestfriend? that’s another story. Hello! Story po to ni Eloisa, next time nalang yung akin ok. Basta read, leave a comment and vote na din hahaha.

Natahimik kaming dalawa, nakaupo na kami ngayon sa bench at nakatingala sa langit na unti unting dumidilim. Maya maya ay tumayo sya at nag stretch out.

“From now on. You’re my bestfriend” nakatingin ako sa kanya at sya naman ay may kinuha sa bulsa nya. isang kwintas na may isang pendant. “Ayan suotin mo yan ha, I choose you as my bestfriend dahil hindi mo ko hahayaang masaktan katulad ng sinabi mo kanina.” Pinatalikod nya ako at sya ang nagsuot ng kwintas sakin. Pag harap ko ay hinawakan naman nya ang pendant ng kwintas nya na suot suot na nya at. Ngumiti kaming dalawa at nagtawanan.

Masaya ako dahil hindi sya nagalit sakin at itinuturing nya pa akong bestfriend ngayon.

Hinila na nya ako at niyaya nya akong mamasyal, treat daw nya, pagce celebrate ng friendship namin. We did shopping, we go to salon, kumain kami sa labas, nag videoke. I’m so bless to have a bestfriend like Eloisa. Tinuruan nya akong magbago at maging optimistic. Kaya tama ang gagawin ko, hindi ko hahayaang masaktan sya ng kahit na sino.

--Eloisa’s PoV--

“weeee”

as usual, ibinato ko ang sarili ko sa kama ko. I just got home from shopping and bonding na din namin ni Janelle. Kanina nalang ulit kami nakapag bonding ni Janelle ng ganun, we treat each other na magkapatid and yes I officially chose her as my bestfriend.

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ko yung mga kuhang pictures namin kanina. Ang kulit namin, puro wacky yung mga kuha namin, sa foodcourt, sa videoke room, sa salon, ang dami naming pinuntahan. :)

Nag open ako ng facebook at pinost ko yung pinaka magandang kuha namin ni Janelle sa salon habang nagpapa hair treatment kami.

~~Relaxing with my Newly Bestfriend. Salamat sa date friend with- Janelle Nuevo.

Wow tatlo agad nag like.

Nag out na ko at humiga ulit. Biglang naalala ko yung status ni Alvin kanina.

~~I love Tiu’sday haha I mean Tuesday. Imisstiu este imissyou.

Yan yung status nya. What’s with the TIU diba? pero kinilig ako. Ayiee assumera lang po sorry. Ang gwapo kasi ni Alvin. Ang landi ko na tuloy. Ahihihi.

YOUR SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon