~~smile ENDING

36 3 1
                                    

Chapter 17

--Eloisa’s PoV--

“Eloisa congratulations!! Proud ako sa’yo anak.”

“Congrats bunso hihihi.”

Pagkatapos ng program, dumiretso agad ako kina mama at ate. Binati lang nila ko ng binati, kahit na paulit ulit sila ok lang ang sarap pakinggan e. Graduation day kasi namin, although kanina pa nila ko binabati lalo na ni mama, tinawag kasi sya sa stage, 1st honorable mention kasi ako sa batch namin. Syempre ang bestfriend ko si Janelle, valedictorian. ^__^ proud na proud ako sa bestfriend ko.

After ng ceremony, nagdecide si mama, kain daw kami sa labas. Niyaya namin si Janelle at yung mama nya. Nung una tumanggi sila, pero sobrang insist ni mama kaya napapayag nya. Magkakasama kami ngayon, kumakain. Sobrang saya namin, kwento kwento lang sila. Kami naman ni Best tawa lang ng tawa. Nakakatawa kasi si mama magkwento.

“Best congratulations.” Bulong ni Janelle saken.

“Ikaw nga dapat ang i-congatulate ko e. Proud ako sa’yo best :)” bulong ko din sa kanya. Medyo busy sila magkwentuhan kaya hindi nila kami napapansin.

“Eloisa, maraming maraming thank you.”

“Para saan naman?” napakunot naman ako ng noo.

“Kung hindi dahil sa’yo, naging mahirap sakin ang makibagay, ang makisalamuha. Akala ko, wala akong magiging kaibigan sa school. Pero ikaw, iba ka sa kanila. Naalala mo ba yung una mo kong pinansin? Medyo ilang pa ako nun dahil baka katulad ka nila na bully. Sorry best kung ganun ang tingin ko sayo nung una ha. Pero nabago naman agad yun. Sobrang bait mo ^__^.” May kinuha sya mula sa bulsa nya, parang keychain. Inabot naman nya saken yun. “Gift ko sayo. Gawa ko lang to. Kaya sana kahit hindi sya mamahalin itago mo,” ang cute ng gawa nya. Isa syang maliit na cloth na ginagamit sa cross stitch, tapos may nakalagay na name ko and magandang designs. Simple lang pero maganda.

“Best thank you for this :). You truly are my best friend.” Then nag hug kami.

“Janelle paalam kana, aalis na tayo.” Sabi ng mama ni Janelle. Nagpaalam sila kay mama at kina ate tapos nag thank you. Parang nagmamadali ganun. Nagtataka lang ako kay mama kasi nakangiti pa sya, usually kasi maiinis yun pag ganun yung biglang aalis na lang. Anyway tapos na din naman kami kumain.

Pagkalabas nila Janelle sa resto, biglang tumunog phone ni mama.

“Ooops. Wait lang mga anak.” Pagkasabi nya nun tumayo na sya at lumabas. Ang weird ng kilos ni mama. Nakangiti lang tapos parang excited.

ASDFGHJKL

Waaaaa!!!

Invisible ba ko? hindi ako pinapansin nila ate. Kapag magsasalita ako o tatanungin ko sila tititigan lang ako. Gar aba. Ang tagal pa ni mama! 10 minutes nang wala.

Maya maya biglang nag dim yung light sa resto. Tiningnan ko yung paligid, ang romantic pala ng restaurant na to. Mali yata kami ng pinasukan, puro couples kasi tapos nagdedate. E kanina ang ingay namin.

Maya maya may naggi guitar at keyboard sa background. Waaaaa! Sobrang ganda, ang sarap pakinggan, so relaxing, ang smooth nya sa tenga. Parang alam ko na title ng tinutugtog nila.

Now Playing: You Make Me Smile (click video there --->)

~Your better than the best.

YOUR SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon