Chapter 16
Eloisa's POV
Atlast magaling na ko. ^___^ Sobrang saya ko kasi, nakasama ko ulit si mama. Nakapag bonding ulit kami, inalagaan nya ko. Gusto ko tuloy ulit maging baby at magpakarga sa kanya, ganun ko sya ka miss.
Ang saya saya ko din kasi hindi ako pinabayaan ni Labo. :”> Kahit hindi halata minsan pero ang sweet nya. Tapos nakiki close sya kay mama at kina ate. Nagkukwentuhan nga sila ngayon sa baba e. Parang boyfriend ko lang. Ayieee.
Ang daming nangyari last week.
Monday.
Birthday ko yan. Sinurprise ako ni Janelle and friends, although ako lang yung kumakausap sa kanya sa room naki cooperate naman yung iba sa kanya para sa surprise nila saken. Ang saya ko nun, akala ko nakalimutan na ng bestfriend ko birthday ko. At syempre ang kumumpleto ng birthday ko si Labo ^_____^v OMG kilig much ako nun, natakot pa kami sa kaya nung una pero ang gwapo gwapo nya!!!!
Tuesday.
Sobrang weird nitong araw na to. Una hindi ako pinansin ni Alvin, tapos nilampasan nya lang ako, tapos sinigawan at pinaalis ako. >______<++ Matapos nya akong pakiligin dahil sa sulat nya tapos ayun biglang na iba pakikitungo nya. Kainis. At ito pa pala, nakita ko syang may kasamang babae sa canteen!! Selos much ako. Nag assume kasi ako, umasa, tapos ayun wala naman pala. Emote emote ako hanggang gabi.
Wednesday.
Sobrang sama ng pakiramdam ko, sobrang sakit ng ulo ko. Lahat na!! nag stay lang ako sa clinic the whole day. Wala e, hindi ko na keri. Thanks to my bestfriend dahil hindi nya ko pinabayaan.
At syempre malilimutan ko ba yung eksena with Alvin kasama yung girl na kasama nya sa canteen. Natawa ako sa sarili ko dahil pinagselosan ko yun e kapatid naman pala nya. Pero magka iba sila ng kapatid nya ha. Mataray at maldita yung kapatid, sa pagkakaalala ko Samantha ang name. Although mukhang masungit at suplado si Alvin pero mabait naman pala.
At nagulantang ako sa sinabi ni Alvin, MAHAL NYA DAW AKO ^____^ OMG sobrang saya ko nun, kahit nung una hindi ako naniwala kasi baka nantitrip nlang. Napapikit ako at paggising ko nasa bahay na ko. Magic nuh? Hinatid pala ako ni Alvin dahil nawalan ako ng malay. At ayun, nilutuan nya ako ng aruzcaldo at pinagtimpla ng milk. O diba mag asawa lang ang peg. At ang nagpabuo ng araw ko ay ang paghalik nya sa noo ko. So sweet :”>
Thursday.
Nasa ospital ako. Gabi na nung nagising ako. Thanks to Alvin dahil kundi sa tahasan nyang pagpasok sa bahay namen ay hindi nya ko makikitang walang malay. Siguro tegi na ko ngayon (oa?) hahaha inaapoy daw kasi ako ng lagnat tapos ang dami ko daw pantal sa katawan.
Sa sobrang kakiligan, nakalimutan ko na allergic pala ako sa egg. May egg kasi yung niluto ni Alvin so ayun. Sobrang allergic ako sa eggs at chicken kaya hindi ako kumakain nun.
Friday.
Umuwi na kami. Hinatid kami ni Alvin sa bahay. Tapos ayun, kwento kwento lang sya kina mama at ate. Sila mama at ate naman ok lang sa kanila, parang matagal na sila magkakilala kung magkwentuhan o magtawanan. Hindi ko pa nga inintroduce si Alvin sa kanila formally e. Alam nyo na, as friend. Assuming naman ako kung as boyfriend. Pero pwede din, dadating tayo jan :”>
Hindi ko rin inoopen kay Alvin, yung mga nangyari. Yung nagtampo ako sa kanya kasi nilampasan nya ko, tapos sinigawan at pinaalis. >___<”++ Syempre gusto ko malaman kung bakit nya yun ginawa noh.
“Nak. Alis na daw si Alvin mo.”
“Mama naman!! Marinig ka nun e.” grabe, Alvin ko daw? Hindi pa nga nanliligaw e. Pero kinikilig ako :”>
BINABASA MO ANG
YOUR SMILE
HumorWhen the NBSB meet her oooh so gwapo and oooh sa hot boylet. First Love. First Kiss. First Kilig Moments. pero pano nya iha-handle ang problema pagdating sa kanyang first love? ________________________________________________________________________...