~~smile 6

28 0 0
                                    

Chapter 6

--Eloisa’s PoV--

Fast forward… wala kasi masyadong nangyari e, after nung Valentine’s Day, hindi ko na nakita si Alvin. Alam ko pumapasok sya pero kasi before nakikita ko sya sa canteen kapag breaktime, o kaya naman makikita ko sya sa corridor naglalakad, or matatanaw ko sya sa building kung san yung room nya. Pero ngayon, wala e. Alam ko naman pumapasok sya pero hindi ko sya nakikita, or ayaw nyang magpakita sakin. :’(

Kriiiiiiiiiiiiiiiiing… breaktime na naman.

“Loi kain tayo. Dali gutom na ko.”

“Wait lang ayusin ko lang gamit ko.”

Pumunta na kami sa canteen. Wala masyadong tao, konti lang yung kumakain.

“Loi ano gusto mo? Libre kita”

“Huh? Diba alam mo naman na ayoko ng nililibre?”

“Ah ganun ba. Sige ako nalang libre mo. I want rice, shanghai, juice, muffins…” wow. Ang daming gusto ha.

“Best may patago kang pera? Hahahaha o sige kapag nakita ko si Alvin lilibre kita kahit ano. Kapag… nakita ko sya.” Hahaha Alvin wag ka muna magpakita sakin now kundi ubos pera ko ngayon.

“Hala Loi… daya *pout*” hahaha ang cute ni Janelle mag pout. Parang bata na gusto magpabili ng lobo.

Dugdug dugdug… hala biglang lumakas heartbeat ko.

“Eloisa!” huh? May tumatawag yata sakin pero hindi ko pinansin. Baka ibang eloisa yun.

“Best…” tinawag ako ni Janelle pero mahina lang, pabulong. Pagtingin ko sa kanya ngumuso naman sya sa likod ko, parang may tinuturo. Napakunot naman ako ng noo.

“Huh? Ano yun?” lumingon ako at………… O_O

Alvin! Sabi ko naman sayo wag muna ngayon e. Patay ubos pera ko. Pero wait, instead na mainis or something ay natuwa ako bigla. Nakita ko na ulit si Alvin. Bigla akong sumaya, yung kakaibang saya. Basta masaya, tapos nakakahawa yung ngiti nya. Ang gwapo talaga nya.

“Best tunaw na naman sya…” bulong ni Janelle from my back. Mga 2 minutes din kaming nagkatitigan.

“Are you guys busy?” tanong ni Alvin. “Pwede makisabay maglunch? Gutom na kasi ako and wala ako kasabay.” Is it true? niyaya nya kaming sumabay kumain sa kanya?

“eeek!! Prince Alvin samin ka nalang sumabay maglunch libre ka namin.”

“kyaaa!! Alvin samin nalang susubuan ka pa namin.”

Sabi ng mga girls sa paligid namin. Like hello! Ako po kaya yung niyayaya. Hahaha ang yabang ko naman. E kasi ang gwapo naman talaga nitong nilalang sa harap ko oh. Kahit transferee sikat. Kasi nga gwapo, player ng basketball tapos may utak pa. oh diba san ka pa. Nginitian lang nya yung girls tapos tumingin ulit sakin.

“diba sabi mo next time? Ito na yung next time, treat ko kayo. Please.” Awww :’) so cute.

“oo nga best.” Sabat ni Janelle. “o sige libre mo ha. Kahit ano lang basta pwede kainin at mabubusog kami ni Eloisa.” Nag nod nalang ako tapos ayun nilibre nga kami. Ayoko talaga ng nililibre ako pero ok na din, mapilit si Alvin e. So umupo na kami, yung girls naatingin samin, I mean sakin pala tapos masama yung tingin. Hala lagot ako, ma haters na ko :’(.

Kumain na kami, tapos nagkwentuhan na din. Ang kulit ni Alvin kasama, ang dami nyang kwento tapos puro nakakatawa lahat. Tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Si Janelle hindi mapigilan sa kakatawa, pano ba naman hindi pa kami nakakaget over sa tawa sa kwento nya may kasunod na agad. Hindi boring kasama si Alvin, or nag eenjoy lang talaga ko? hahaha feeling ko super close na kami.

Hayun. Naubusan na daw sya na kwento, so tinapos na namin yung pagkain namin. Ang dami kasing binili ni Alvin. Pang limang person tapos may chips pa.

“Eloisa.”  :">  Ang sarap pakinggan, binigkas nya yung name ko.

“yes?”                        

“oh.” Sabay abot ng phone nya sakin. Napakunot yung noo ko. Anong gagawin ko dito? “pakisave number mo. In case…” in case what? Omg im blushing… *^_^* “basta save mo nalang.” Ayun sinave ko na, seryoso yung mukha nya e, yung imgae nya na suplado. Nakakatakot. Then after nun, nagpaalam na syang umalis. Bumalik na din kami ni Janelle sa room, 5 minutes nalang kasi time na.

___________

“Ba-bye Loi. Mwhuaps! Ingat sa pag uwi ah. Yung mga ingridients wag mo kalimutan bukas.”

“Ok. Ba-bye Janelle, ikaw din ingat ka.”

Hala 9pm na. Masyado nang late, e kasi pumunta pa kami ng supermarket para dun sa chiffon cake na gagawin namin bukas. Tapos ako pa pinarusahan nilang magdala nito >.< ang bigat kaya. Someone help me please. =___=++

Sumakay na ko ng jeep. Umupo ako sa likod ng driver e kasi walang ibang nakasakay walang mag aabot ng bayad ko. Aandar na sana yung jeep kaso may biglang sumigaw ng girl.

“Manong WAIIIIT!!! Alabang po ba?” wow ang cute ni ate, so cute nya talaga. Very sophisticated ang dating nya. Pero grabi balahura kung makasigaw.

“oo Alabang.” Sagot ng driver.

So ayun sumakay na sya at….. at…… nagulat ako sa kasama nya. Si Alvin!! Hindi ako nagkakamali si Alvin nga. Teka bakit sya nasakay ng jeep e may scooter naman sya? Napatingin yung girl sakin, nginitian ako at sabing “your Eloisa right? San ka bababa” huwaw! So lambing ng voice nya. Binabawi ko na, hindi sya balahura, she speaks so gentle, so finesse, anak mayaman at kilala nya ako at tinatanong nya kung san ako bababa? But why?

“ah uhmmm sa ako **** bababa”

“Alvin look, destiny works, nandito si Eloisa.” Tumingin naman sakin si Alvin na kanina pang busy sa kausap nya sa phone. I think it’s his mom. Wait, tama ba yung narinig ko? Destiny works? Di ko gets. Binaba na nya yung phone at ngumiti sakin. May inabot syang pera dun sa beautiful girl na kasama nya.

“Manong bayad po, 3 estudyante, nag aaral ng mabuti.” Haha ang kulit, may ganung description talaga? Wait? bakit pang tatlong tao yung binayad nya? “uhmm Eloisa, wag kana magbayad. Sya nagbayad ng para sayo.” Sabay turo kay Alvin.

Ahh. Nilibre na nya ko ng pamasahe. Huh? Nilibre nya ko? Nilibre na naman nya ko? hala nakakahiya na talaga sa kanya. Lagi nalang nya ko nililibre, e ayoko pa naman ng nililibre ako. Nagagalit ako kapag ganun. Pero si Alvin naman e ^_^ susuklian ko nalang sya ng pagmamahal ko haha ang korni.

“Thank you Alvin.” :)

______________

“I’m home.”

Sigaw ko. Wala lang, gusto ko lang. Wala naman kasing tao e. Si mama minsan lang umuwi, si dalawa kong ate super gabi na umuwi dahil busy sa college life at part time jobs, minsan nga hindi pa sila nauwi, so ending, madalas akong mag isa dito sa bahay.

Pumunta na ko sa kwarto, tapos napansin ko yung phone ko sa ibabaw ng desk. Bakit nakalabas to? Dapat nasa drawer to e. Tiningnan ko, aba may isang message, from unknown number.

From: 0930*******

~safe ka bang nakauwi? Buti nalang nakasabay kita sa jeep. –Alvin~

O_O

Another surprise. Hindi ko na naman inaasahan to. Si Alvin nagtext sakin. At tinatanong kung safe ba akong nakauwi, concern? Siguro nga.

“kyaaaaaaaa……” wala trip ko sumigaw. E kasi kinikilig ako, kinikilig ako. Kinikilig ako. Ang sarap sa feeling, ganito ba talaga? Ganito ba talaga yung feeling ng inlove? Sorry first time talaga. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Alvin? I don’t care basta ako, gusto ko sya. Gusto ko na talaga sya.

YOUR SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon