Chapter 5
--Eloisa’s PoV--
“eeek”
“ayieee”
Tama bang sumigaw habang kinikilig tong mga girls na to. Ang sakit sa tenga ha. Makabasag eardrums. Well, Valentine’s Day kasi ngayon, at wala kaming klase sa kahit anong subject, pinapasok lang kami dahil required. Hindi naman ako bitter dahil wala akong lovelife as of now, pero naiirita talaga ko ngayon.
“Wow best. Ang daming mong natanggap na flowers at chocolates. Ikaw na Eloisa, ikaw na talaga.” Si best Janelle, nasa room kasi kami at sya yung tumatanggap ng flowers, chocolates, gifts kapag may naghahanap sakin.
“Hoy Eloisa! Anong sinisimangot mo jan? Balentayns na balentayns ganyan yung mukha mo.” Sabi ni Janelle habang kinakain yung isang box ng chocolate na binigay ko sa kanya. Oopps! Yung chocolate na binigay ko sa kanya ay hindi galing sa mga suitors ko, binili ko yun para sa kanya talaga. Valentine gift ko sa kanya.
“hmmm.. mukhang alam ko na kung bakit hindi mai-paint yang mukha mo.” Ha? Ano daw? Kahit hindi ko sya tingnan alam kong nag smirk sya. Naiirita lang talaga ko sa mga sumusigaw sa labas. Hindi ko iniimik si Janelle. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
“Wala noh. Walang reason kung bakit wala ako sa mood.” Ang totoo nyan, si Alvin. Gusto ko sya makita. Kahit makita ko lang sya ok na yun. Buo na Valentines ko.
“eeeeek”
“uwaaaaaaaa”
“ayiiiiiiee”
lalong lumakas yung sigawan sa labas ng room. Ano na naman kayang meron? Hindi na tumigil sa pagsigaw tong mga ‘to.
“hoy.. kulang nalang lumabas mga lalamunan nyo!!” sigaw ni Janelle, kaming dalawa lang kasi nandito sa room. At naingayan din sya dahil lalong lumakas yung pag sigaw ng mga girls.
“Prince Alvin is here!!”
ha? Tama ba yung narinig ko? May sumigaw galing sa labas ng room ng pangalan nya at may endearment pa na prince. Baka ibang Alvin yun. Oo nga ibang Alvin yun.
“Eloi wait lang ha. May natawag kasi sakin sa labas.” Nag nod lang ako, wala ako sa mood magsalita. Ewan ko ba. Hay. After 3 minutes bumalik si Janelle.
“Eloi eloi… uy humarap ka sakin.” Humarap naman ako.
“Oh bakit?”
“*grin then smirk*”
“wag mo kong tingnan ng ganyan.”
“oh para sayo.” Sabay abot ng isang white rose. Kinuha ko naman at tinitigan.
“Psss. Anong bago? Akala ko kung ano na. Kanino galing?”
“ay shunga. Tingnan mo kaya, ayan oh may maliit na paper na nakatape sa stem.” Oo nga meron, bakit hindi ko napansin. Wala lang siguro talaga ako sa mood. Nung nabasa ko kung kanino galing…..
Me ----> -__- ………. =__= ………. O_O …..
“Marami na palang nagbigay sayo ng rose. Buti nalang white yung galing sakin. Itago mo ha, tanim ko kasi yan. :)”
Napatingin ako sa pinto, dun kasi galing yung boses na narinig ko, yung boses na yun. Sobrang cold, pero caring, at alam ko happy sya habang sinasabi nya yun. Totoo ba to? Si Alvin ba talaga yung nakikita ko? Si Alvin ba yung nagbigay ng rose? Hindi ko namamalayan pero nakangiti na pala ako at nakatitig lang sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin, naka smile. That smile, that sweet smile.
“tunaw na, tunaw na.” bulong ni Janelle, she giggles.
Nakaupo pa din ako, gusto ko tumayo at tumakbo dahil feeling ko nagbu blush ako. Pero hindi ako makagalaw dahil na stuck na naman ako sa malamig na ngiti ni Alvin. Unti unti syang lumapit sakin tinapos hinawakan nya yung dalawang hands ko at napatayo naman ako. Grabe, totoo ba to? Hinahawakan nya ko.
“Happy Valentines Eloisa” uwaaa. Kinikilig ako blush blush (*^_^*) “sayo ba yang mga roses at chocolates na yan?” tanong nya, nakita nya na maraming roses at chocolates sa desk ko. sobrang dami kasi, yung iba bouquet pa nga e.
“ahh. Ehh o- oo” nakatungo lang ako sa kanya, nagbu blush kasi ako at ayokong makita nya yun.
“sensya na ha. 1 white rose lang nabigay ko.”
“Ha? Wala yun. Ok lang. it’s not the gifts but the thoughts that counts. Ikaw lang naman hinihintay ko magbigay sakin.” napatakip ako ng bibig ko. nasabi ko ba yun? Nakakahiya! Uwaaaa!!
KILL ME NOW. KILL ME..
I heard Janelle giggled behind me, pinipigilan nya tumawa. Lalo akong nag blush. Pinisil ni Alvin yung cheeks ko na ikinabigla ko naman. Inangat nya yung mukha at magkaharap na kami ngayon, sobrang lapit nya. At lalo pa syang lumapit. He look at me in the eye, as if he’s reading what’s in my mind. Hindi na ko nakapagsalita. He kissed me on the cheeks and left the room. Bago sya tuluyang makalabas ng room ay nginitian pa nya ko.
Is this real? Cause if it’s not, I don’t want to go back to reality. Hinawakan ko yung cheeks ko kung saan sya humalik. Ang lambot ng mga labi nya, I can still feel it. Since NBSB ako, first time kong mahalikan sa pisngi, at yung taong gusto ko ang humalik sakin. It feels so great. Uwaaaa.
“Ayan na, wala nang dahilan para sumimangot ka pa ha? :)” oo si Alvin naman talaga dahilan kung bakit ako nakasimangot kanina. Pero ngayon alam kong wala na yung pagka irita ko. At tulad ng girls na nasa labas. Kinikilig at sumisigaw na din yung puso ko sa tuwa. (*^_^*)
_____________
“weee”
tumalon ako sa kama at nahiga.
Grabe tong araw na ‘to. Sobrang saya ko talaga. Hindi ko expected yung mga nangyari kanina. Hindi ko talaga expected, from BadVibes to GoodVibes and KiligVibes hahahaha. Kinikilig talaga ko. Ayoko maghilamos ngayon, bukas nalang. Ayokong mabasa yung part ng cheeks ko na kiniss ni Alvin hahaha ang landi ko na talaga. Sorry naman first time e. First time kong kiligin ng ganito, first time kong mahalikan sa cheeks ng isang guy tapos yung crush ko pa diba.
Alvin Uyyco... ikaw lang nasa isip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
YOUR SMILE
ЮморWhen the NBSB meet her oooh so gwapo and oooh sa hot boylet. First Love. First Kiss. First Kilig Moments. pero pano nya iha-handle ang problema pagdating sa kanyang first love? ________________________________________________________________________...