~~smile 9

31 0 0
                                    

Chapter 9

--Author’s PoV--

“Before I dismiss, let me remind you class. The deadline for your investigatory project is on Monday. Be sure that the checklists are there too. Class dismiss.”

Lumabas na ng room ang teacher nila. Yung iba nag aayos ng gamit dahil recess na, marami na ding nagsilabasan.

Nakaupo sa lang sa isang tabi si Eloisa, nakangiti, tulala.

“Eloisa Babes !!!” ginulat sya ni Edward, kiniliti ang tagiliran nya.

“kyaaaa!! Ano ba Edward. Wala si Janelle ikaw naman nangungulit jan.” Gusto nyang mainis dahil naistorbo ang pagde-daydream nya kay Alvin pero hindi nalang nya pinansin ito at napangiti nalang ulit sa kawalan. Humarap sa kanya si Edward at pinitik ng mahina ang noo nya.

“Ang laki ng ngiti mo ha. Kinikilig ka ba saken? Ha babes?”

“Spell ASA? Tsaka don’t call me babes nga!”

“Eloisa wala ba talaga akong pag asa sayo?”

Sumeryoso ang expression nya ng marinig iyon. Tiningnan nya si Edward sa mata.

“Edward, you know I like you…. As friend. Yun lang.”

Yumuko si Edward si pagkarinig nya nun. Inaasahan na nya na yun ang maririnig nya pero nasasaktan pa din sya. Dalawang taon na nyang kinukulit si Eloisa sa panliligaw, dalawang taon na din syang nasasaktan sa tuwing nirereject sya nito. Pero hindi pa din sya sumusuko, mahal nyang talaga si Eloisa.

Tumingin muli sya kay Eloisa at nginitian ito. Ngumiti din sa kanya si Eloisa.

Ang mga ngiting yan, ang mga ngiting nagpatibok ng puso ko, ang mga ngiting pumapawi ng lungkot at badtrip ko, ang mga ngiti na madalas ay dahilan kung bakit gustong gusto kong pumasok. Mahal na mahal ko ang nagmamay ari ng mga ngiting yan, pero saklap e, hindi nya ko mahal. Pero hindi ako susuko.

“ahmm Edward samahan mo nalang ako sa canteen. Bibili lang ako ng pagkain.”

“Sure! Libre pa kita.”

“AYAW!!!”

“ok ok wag ka sumigaw hahaha.”

Tumungo na sila sa canteen, papasok palang sila ng makita ni Eloisa si Alvin. Seryoso ang mukha nito, naglalakad ito papasok ng canteen. Nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa habang naglalakad, tila ba wala itong pakialam kung may mabunggo. Wala itong pinapansin.

Nasa pinto ng canteen si Eloisa, nakangiti sya kay Alvin pero parang hindi naman sya nakikita nito. Hinihintay nyang makalapit si Alvin sa kanila saka nya ito papansinin, pero laking gulat nalang nya ng lampasan sya nito at tuluyan nang nakapasok sa canteen. Hindi nya alam kung ano o pano sya magre-react sa nangyari. Naramdaman nyang nasaktan sya ginawa ni Alvin.

Bakit ganun? Hindi ba nya ko nakita? Pero imposible dahil nakatingin sya sa gawi ko. ouch! Wait ano to? Ngayon ko lang naramdaman tong feeling na to, parang tinusok yung puso ko. OA mo Eloi, baka hindi ka nga nya napansin.

“Eloibabes, bakit may problema ba?” napansin kasi ni Edward na natulala si Eloisa.

“Ah jan ka lang ha, kukunin ko lang yung checklist kay Alvin.”

Alvin? Tama ba ko ng rinig? Sa pagkaka alam ko ito yung nagugustuhan ni Eloisa.

Pumasok na si Eloisa sa canteen at pinuntahan si Alvin.

“Alvin!!” sigaw nya. Napatigil naman ito sa paglalakad at lumingon kay Eloisa. Pero hindi ito nagsalita at naglakad ng muli. Agad namang lumapit si Eloisa na takang taka na sa ikinikilos nito.

“Alvin wait. Sabay tayo kumain.”

“a-ah. Wag na. Sige na alis na.” shit! Tama ba tong ginagawa ko? Badtrip ako ngayon dahil sa nangyari kagabi, pero tama bang idamay ko si Eloisa? Tama bang hindi ko sya pansinin?

Nagulat si Eloisa sa sinabi ni Alvin.

Pinapaalis na nya ko, ano bang nagawa ko?

Ngumiti naman si Eloisa at sinabing, “hahaha nahihiya ka ba saken dahil yung tungkol kagabi, yung sa letter? Hahaha”

Hindi alam ni Alvin kung ano ang sasabihin, kaya napasigaw na lamang sya.

“Eloisa please alis muna ayoko ng kausap. PLEASE LANG!”

Napatigil naman si Eloisa sa pagtawa at napatulala. Hindi nya alam ang gagawin, hindi nya alam ang ire-react ramdam nyang konti nalang tutulo na ang mga luha nya. Pinagtitinginan na din sila ng iba.

“Yan kasi, akala nya gusto na talaga sya ni Prince Alvin.”

“Oo nga, akala mo kung sino makalapit, feeling close!”

“Ang landi din pala nyang Eloisa na yan noh”

Rinig na rinig ni Alvin ang mga bulungan, bigla naman syang na guilty sa ginawa nya. Hahawakan na sana nya si Eloisa paalis ng canteen at para mag sorry ng biglang sumigaw si Edward.

“Hoy!! Bakit mo sinigawan si Eloisa babes ko ha. Sino ka ba sa akala mo? Kukunin lang nya yung checklist sayo sisigawan mo na sya. Ha? Ano sumagot ka!” lumapit pa ito kay Alvin ng dalawang hakbang “wag na wag mong masigawan si Eloisa. Baka gusto mong hindi kana abutin ng bukas!”

“Edward!!! Wala syang ginawa saken!!!” sigaw ni Eloisa, halata na sa mukha nito na paiyak na pero pilit nyang pinipigilan, sa huli ay tumakbo na lang ito palabas.

“Babes saglit lang!!” sinundan nila ito ng tingin. Nang makalabas na ay nagsalita muli si Edward. “Ano, suntukan nalang!!!” panghahamon nito.

Halata sa expression ng mukha ni Alvin na nagalala sya at na-guilty sa ginawa nya, alam nyang mali ang ginawa ngunit hindi nya alam kung bakit din nya nasabi ang mga ganun sa mahal nya. Bigla namang sumeryoso ang itsura nang marinig ang paghahamon. Ngunit hindi sya nag abalang patulan ito, aksaya lamang sa oras ang gagawin nya kung papatulan nya ito. May kinuha sya sa kanyang bulsa, ibinato sa harap ni Edward at umalis na.

“Hoy!! Hindi ko to palalampasin! May araw ka ding g*go ka!!” sigaw ni Edward at kinuha ang ibinato sa kanya. Yung checklist iyon ng investigatory project ni Eloisa. Bigla naman syang nag alala kay Eloisa at umalis na din.

Shit! Eloisababes wait mo lang ako.

YOUR SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon