C1

123 6 4
                                    

Nyckolette Madelo POV

“Tekaa late na akooo.” napatakbo ako habang hinahanap yung assignment na ipapasa namin. Jusko bakit kasi hindi ko na set yung alarm ko kagabi.

Gulong-gulo yung kulot kong buhok habang hinahalungkat yung notes ko hanggang sa nakita ko na ito, inilagay ko muna ulit sa loob ng notebook at tinandaan ko yung kulay dahil baka mawala ulit.

Tumakbo na ako papuntang third floor dahil doon ang classroom ng third year college.

Paliko na ako ng bigla akong lumipad sa ere pero tangina ang sakit ng ulo ko.

“Anak ng tipaklong, late na nga minalas pa.” nag-angat ako ng ulo at napanganga ako sa lalaking sa harap ko.

“Are you blind?” anooo? Tekaaa nabibingi ako sa sinabi niya eh.

“Ang kapal ng mukha mo.” sagot ko at tumayo. Wala na nga akong panahon tapos may hinayupak pa sa harap ko.

“What did you just say?” naiinis niyang tanong. Aba, pikon pala 'to eh. Siya nauna tapos kapag ginantihan pikon naman.

“Mama mo.” naglakad na ulit ako at hindi nalang siya pinansin kasi nga late na ako. Patay ako nito sa professor ko.

Mamahaling school wala man lang elevator ayan tuloy hagdan pa dadaan.

Mamahaling school pero hindi ako mayaman, okay? Talino lang kaya full scholarship ako.

Tumakbo ako sa dulo dahil don yung classroom ko. Pagkarating ko sa pintuan ay tumayo ako ng tuwid bago sumilip.

Ehh? Wala pa si Sir? Yesss!

Pumasok ako at umupo sa upuan ko. May magandang nangyare din pala kahit na late ako kasi mas late yung professor ko. Kung alam ko lang edi sana pinatulan ko nalang yung aroganteng lalaki kanina. Nakakabanas eh, pikon.

Pinunasan ko muna yung pawis ko at pinaypayan ang sarili ko kahit may aircon naman.

Third year college na ako, kakasabi ko lang kanina. I'm 21 years old. Fashion Designing yung napili ko kasi gusto ko talaga magdesign ng gowns at mga damit simula noong bata pa ako.

Hindi ako mayaman pero nakapasok ako sa school na ito because of scholarship. Gustong-gusto ko talaga dito kasi iba daw yung way ng pagtuturo which is true naman kasi mabilis ka talagang matuto at mas gagaling pa lalo.

Hindi ko namalayan nakapasok na pala ang professor ko kaya umayos na kami ng upo.

“Good morning, everyone.” Sir Jeminez greeted us.

Sumagot naman kami sa kaniya.

“Today, I will introduce to you our new student. Mr. Garcia, please introduce yourself.” pumasok ang lalaki at nanlaki ang mata ko.

Akala ko ba hindi na malas ang araw ko pero bakit ganun? Yung masungit na lalaki na naman itong sa harapan namin.

“Good morning, Everyone. My name is Jarren Jake Garcia from London. We moved here in the Philippines for good and nice to meet you all.” aba edi London boy pala tong pikon na to.

“How did you learn our language, Mr. Garcia?” tanong sa kaniya ni Sir Jeminez.

“My mother is a pure Filipina sir and  I know some tagalog but not all but I'm willing to learn more.” ngumiti pa ito. Ang cute---- whatt? Wala akong sinabi.

“Oh, I see. Feel free to sit wherever you want, Mr. Garcia.” sabi naman ni Sir. Napalingon ako sa likod ko kasi nandoon ang bakanteng upuan. Don't tell me sa likod ko siya uupo.

Tumingin siya sa akin at nakunot ang noo pero agad-agad niya akong nginisihan ng mapagtanto kung sino ako. Inirapan ko lang siya dahil wala akong balak na patulan ang pagkaisip bata ng lalaking ito.

THE RED STRING THEORY Where stories live. Discover now