Nyckolette POV
Super late na akong nagising. Pagsinabi kong super late ay 12PM na. Napabangon ako dahil 2 ang start ng fashow show.
“Patay, sobrang late ako nito.” pumasok ako sa banyo para maligo.
Ngayon yung kanta namin ni Jarren. Patay.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko at agad na lumabas na.
Wala nang tao sa bahay dahil sa trabaho na sila Mama at Papa tapos ang kapatid ko naman ay nasa school na.
Ininit ko muna ang pagkain na iniwan ni Mama kaya habang hinihintay ko ay nagsuklay na muna ako.
Ayuko ko talagang mag-ayos kapag hindi pa ako kumakain kasi masisira lang kapag mag-tooth brush.
Ligo. Kain. Toothbrush. Magmake up o kung ano pang kaartehan.
Hindi naman kasi ako nagmamake up kapag walang event sa school eh.
Kumain na ako ng mainit na ang pagkain at nagtoothbrush pagkatapos.
Pagkatapos ko ng mga gawain ko sa kusina ay bumalik ako sa kwarto para magbihis ng damit. Green ang color ng third year. Yellow sa first year. Red sa second year. Green sa third year. Blue sa fourth year.
Naglight make up na ako at hindi ko na tinali ang buhok ko dahil basa pa naman. Nilagyan ko lang ng headband at nagspray ng perfume.
1:46PM na. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan pero nawindang ako sa calls and messages.
Hinahanap na ako ni Fern at Jarren.
*ringgg~ ringggg*
London Boy is calling.
Sinagot ko dahil baka importante.
“Hello?” sagot ko.
Naririnig ko ang ingay sa kabilang linya. Parang nasa gym na sila kaya maingay.
“Thanks God. Saan kana?” tanong ni Jarren sa kabilang linya.
“Sa bahay pa pero paalis na ako. Magbabantay nalang ako ng masasakyan.” sagot ko sa kaniya
Ni-lock ko na ang pinto ay nag-abang sa labas ng gate.“No, sunduin nalang kita. Wait me there. Aalis na ako.” sasagot na sana ako pero patay na ang tawag.
Hindi na sana ako magpapasundo dahil baka maisturbo ko siya at isa pa ay parang mag-uumpisa na eh.
Talaga bang gusto niyang patunayan ang sarili niya?
*
Wala pang 15 minutes ay dumating na sya.
Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya nagmadali na akong sumakay.
“Nag-uumpisa na?” tanong ko ng makapasok na siya.
“Baka oo kasi mag-uumpisa na kanina nang umalis ako but there's an introduction pa naman so I think makakaabot tayo.” sagot niya sa akin.
“Parang marunong kanang magtagalog ah. Slight slang pero all goods na naman.” sabi ko kasi totoo naman. I've noticed na naging magaling na sya magsalita kahit minsan ay bulol but at least, he tried.
“Yeah, I often heard mom and dad talking using Filipino as well as you and Fern so I think I already adapt it.” paliwanag nya naman kaya napatango nalang ako.
“Si Krisel yung model natin, diba?” tanong ko.
“I don't know their names. Remember, I never get chance to know our other classmates because I'm with you and Fern the whole time.” sagot niya sakin. “But our model is skinny. Maputi sya and straight hair. The one with mole in her brows.” paliwanag nya kaya nakumpirma ko na si Krisel talaga.
YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY
RomanceIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...