C8

58 4 2
                                    

Nyckolette POV

Pagod ako pero maaga pa din akong nagising dahil siguro body clock ko na ito at magsisimba din kami nina Mama at Papa.

“Ma, tapos na po ba kayo?” tanong ko habang nakaupo sa sofa.

Ako kasi ang mabilis na gumalaw sa amin kaya di na ako magtataka kung bakit ako laging nauuna sa amin.

“Ate tapos na din ako. Si Mama nalang ang hinihintay,” sagot naman ni Klent kaya tumango nalang ako at nag cellphone na muna.

Hindi pa naman late pero gusto lang namin maging maaga dahil baka puno ang simbahan kaya sayang.

“Ate, paano kung magpapakita ang tunay mong magulang at kukunin ka. Sasama ka ba?” tanong ni Klent sa akin.

Napatigil naman ako sa paggamit ng cellphone at kunot-noong tumingin sa kaniya.

“Anong klaseng tanong yan, K? Kaya nga nila ako pinamigay kasi ayaw nila saakin tapos kukunin pa nila ako sa inyo? Kapal naman ng mukha nila.” sagot ko naman.

Ayuko magtanim ng galit pero hindi ko maiwasan makaramdam ng sama ng loob sa kanila sa naiisip ko.

It's been 21 years at kung gusto nila akong alagaan at palakihin ay hindi na sana nila ako hinayaan mapunta sa iba tapos babalik? Para ano?

“Kunware nga lang ate.” sagot ni Klent.

Sasagot pa sana ako kaso lumaba na si Mama ng kwarto kaya hindi na ako nakasagot.

“Tara na. Kanina pa naghihintay ang Papa nyo sa labas,” sabi naman ni Mama sa amin kaya napatayo kami at lumabas na.

Si Papa ay magmamaneho ng tricycle. Hindi naman kami mayaman na para may sasakyan pero kahit ganun ay masaya kami.

Life is not always goes in a way we always wanted but we should learn how to be grateful for the blessings we have.

I'm just adopted but they never failed to make me feel like I'm their real daughter. They loved me like I'm their whole.

“Dahil may bunos ako, kakain tayo sa paborito nating kinakainan.” masayang sabi ni Papa.

“Yeheyy,” sabay kaming nagsalita ng kapatid ko dahil sa tuwa.

Masaya kami kahit hindi kami mayaman. Mabait si Mama kahit palagi itong nanenermon saamin. Si Papa naman ay masipag at ginagawa ang laaht para matustusan ang mga pangangailangan namin.

They deserves something more in the future and I promised to give that to them.

*

Mabilis kaming nakarating kaya pumasok na kami at nagdasal bago nag-umpisa ang mass.

“Love requires sacrifices. May mga bagay na nagagawa natin dahil sa mahal natin ang isang tao at wala tayong karapatan na kwestiyunin ang nararamdaman nila dahil lang galit tayo. Hindi natin alam kung ano ang kanilang naging sakripisyo sa atin kaya hangga't maaari ay iwasan nating magtanim ng sama ng loob sa isang tao.”

Napatingin ako sa parents ko habang taimtim na nakikinig sa homily ni Father.

I know they are hiding something simula ng madatnan ko sila sa bahay with that woman named Nimfa pero hindi na ako nag-abalang magtanong pa dahil my tiwala ako sa kanila at kapag gusto nilang sabihin ay sasabihin nila iyon ng walang pag-aalinlangan.

Nang matapos na ang mass ay lumabas na kami at dumeretso sa paboritong kainan namin.

Habang kumakain kami ay tumikhin si Mama.

“Kolette, anak. May sasabihin kami ng Papa mo sayo pero lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin at kahit anong mangyare ay nandito lang kami para sayo,” sabi ni Mama at napatingin ako sa kanila pareho.

THE RED STRING THEORY Where stories live. Discover now