Nyckolette POV
After finals ay masaya kami sa naging results lalo na yung worries namin dahil tapos na.
Hanggang sa nagplano kaming mag overnight.
Pagdating ko sa bahay ay natulog muna ako dahil wala pa naman akong gagawin.
*
Nagising nalang ako dahil sa alog sa akin at nakita ko si Fern.
“Ay babaita ka. Maligo kana.” napabangon ako.
“Hala, sorry agad. Sige na maliligo na ako.” pumasok na ako banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako.
“Ako na pipili ng damit mo.” sabi ni Fern kaya hinayaan ko nalang.
“Ano ba kasing party ang pupuntahan natin?” tanong ko kasi naman hindi naman niya sinasabi sa akin eh.
“Basta makisama ka nalang kaya. Wala naman akong gagawing masama sayo eh."sagot nya kaya hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.
Pink napili nyang damit pero hindi ko muna sinuot. Inayos nya muna ang buhok ko at nilagyan ng light make up dahil alam nyang hindi ako mahilig sa makapal na make up.
Nilugay nya lang ang kulot kong buhok bago ako nagbihis.
Pink ruffled semi-formal dress ang suot ko at tumingin ako sa salamin.
“Ganda ko.” sabi ko at umikot.
“Oo na teh kaya tara na ipapaalam pa kita. Teka dala ka pala ng pamalit mo o pantulog.” kinuha ko ang ternong pantulog ko nilagay sa bag na dala ni Fern.
Lumabas na kami at pinaalam nya ako kina Mama at Papa.
“Tita, Tito mag-oovernight po kami ni Kolette pero don't worry tita, tito kasi tatlo lang kami. Si Jarren po kasama namin dahil tapos na din finals namin kaya po sana payagan nyo si Kolette.” sabi ni Fern at nag please sign pa sa parents ko.
“Basta wag mong pabayaan yang anak ko ha.” tanong ni Mama dahil nakabihis kami.
Nagtaka ako dahil hindi nagtanong si Mama at Papa kung bakit bihis na bihis ako pero hinayaan ko nalang baka nasabi na ni Fern kanina.
Nagpaalam na kami ni Fern kina Mama at Papa.
“Alis na po kami Ma, Pa. Thank you po.” nagmano ako sa kanilang dalawa at ginulo ko ang buhok ni Klent ay umalis na.
*
Habang nagmamaneho si Fern ay ngingiti-ngiti sya kaya nagtaka ako.
“Masaya ka girl? Ano may dilig?” natatawa kong tanong pero inirapan nya ako.
“Gaga. Masaya lang ako dahil nakasurvive tayo sa finals.” sagot nito kaya napatango nalang ako.
Totoo nga naman. Ilang beses akong umiyak dahil sa stress sa finals namin.
Lagi ko nga napagbuntungan ng inis si Jarren pero salamat nalang at iniintindi nya pa din ako.
Minsan imbes na patulan yung init ng ulo ko ay gumagawa sya ng paraan para mabawasan ang inis ko.
Sa totoo lang natatakot akong sumugal pero mas natatakot akong hindi sumugal because like as always I've said, it's better to say 'at least I tried' kaysa naman ' I hope I tried'.
“Alam mo girl, ang swerte mo kay Jarren.” napalingon ako kay Fern dahil sa sinabi niya.
“Bakit naman?” tanong ko dahil hanggang ngayon ay nagtataka ako bakit gusto nya para sakin si Jarren.
YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY
RomanceIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...