C16

12 4 0
                                    

Nyckolette POV

Kumain na muna kaming dalawa sa inihanda nilang dinner date.

“Are you happy?” tanong nya sa sakin habang kumakain kami.

“Anong klaseng tanong yan, syempre naman oo.” sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na ang lalaking nasa harap ko ay boyfriend ko na.

“Kayong dalawa ni Fern ha, may nalalaman pa kayong ganito.” sabi ko at inilibot ang mata ko sa magagandang set up.

“Of course, you deserve this. Gusto kong maging special yung moments kapag tinanong na kitang maging girlfriend.” sagot nito sakin.

“Eh bat ka umiyak?” pang-aasar ko sa kaniya kaya sumimangot sya.

“Commonly, sorry ang sinasabi kapag ayaw nitong sagutin so I thought you would say no to me because you're apologizing.” explain nya kaya natawa ako.

“Advance ka kasi kaya yan ang napala mo.” sagot ko naman sa kaniya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

“Kahit na hindi mo ako sagutin ngayon, I would still pursue you and prove myself na I'm worth the risk.” malumanay nyang sabi sa akin kaya maramdaman kong nanggigilid ang luha ko.

“Ano ba yan. Kumain na nga tayo, jusko maiiyak pa ako eh.” sabi ko at nagpatuloy kumain.

Maya-maya ay tumugtog at tumayo sya.

“May I dance with my girlfriend?” inabot nya ang kamay nya sa akin kaya inabot ko ito.

Inalalayan nya akong tumayo at nilagay ang kamay ko sa leeg nya at ang kamay nya naman ay sa bewang ko.

Dahan-dahan kaming sumayaw habang nagkakatitigan.

“Do you know that your parent knew that I'm going to asked you to be my girlfriend.” ah kaya pala hindi na sila maraming sinasabi kanina.

“Kaya pala hindi nila ako tinanong kung bakit ganito ang damit ko, may alam pala.” sagot ko naman. “Teka, paano mo napapayag ang magulang ko sa plano mo ngayon?” tanong ko dahil nagtataka talaga akong ganun lang kabilis na payagan si Jarren.

Kinindatan nya ako at ngumiti.

“Our parents know if someone's intention is pure. I want to prove myself to you and to them that my intention to you is pure. All I want from you is love and trust.” sagot nya sa akin.

“I trust you. I hope you will never ruin my trust.” tumango-tango naman sya sa akin bilang tugon.

“I love you, My Koko.” sabi niya habang nakasayaw pa din kami.

Nakatitig kami sa isa't-isa habang nakangiti.

“Mahak din kita, My Jaja.” sagot ko.

Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin kaya napapikit ako.

He kissed me.

It was just a smack but it was romantic.

“Hindi ito ang una nating kiss.” natawa ako sa sinabi nya at naalala ko naman ang kagagahan ko.

Yung hinalikan ko sya sa harap ni Kiven. Hiyang-hiya ko non sa kaniya, akala ko nga magagalit sya dahil sa ginawa ko.

“Hoy nagsorry naman ako ah and it's not my intention to kiss you. Nagagalit lang ako sa pangungulit ng ex ko.” sagot ko sa kaniya.

“Let's not talk about him baka magselos ako.” yun ang sagot nya kaya natawa ako.

*

A night went well.

THE RED STRING THEORY Where stories live. Discover now