C17

28 5 0
                                    

Nyckolette POV

Weeks had passed. Masaya kami ni Jarren sa relationship namin and today, he will introduce me as to his parents.

“Kinakabahan ako. I know it's not my first time meeting them pero iba ito ngayon.” sabi ko habang nakasakay kami sa sasakyan nya.

Sinundo nya ako sa amin at pinagpaalam.

Napakilala ko na rin sya sa parents ko at masaya naman sya.

Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-usapan nila ni Papa dahil gusto daw ni Papa si Jarren.

“Jieee, kinakabahan ako.” sabi ko.

Pinisil nya ang kamay ko at ngumiti.

“I assure you love that they likes you. From the moment my parents meet you, they liked you already.” paninigurado niya sa akin.

Dahil sa sinabi nya ay nabawasan ang kaba ko.

“My parents are kind and you know that already kaya kalma kana, okay? Kiee, you have to stay calm.” sagot nito at itinigil ang sasakyan.

Nakarating na kami. Bumaba sya at binuksan ang pinto para alalayan akong bumaba.

“Let's go.” sabi nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito. Nabawasan naman ang kaba ko dahil doon.

“Ateeeee.” tumatakbong tawag sa akin ni Chase.

Malayo pa ito ay nakaamba na ang kamay nya ng yakap kaya lumuhod ako para yakapin sya.

“Hey little boy. How are you?” nakangiti kong tanong sa kaniya.

Ngumuso naman ito at sumagot.

“I miss you ate. Want ko po mag play sa inyo.” sagot nito at isiniksik sa balikat ko ang ulo nya.

“I miss you too. Balik kayo kapag may time dahil miss kana din ni Mama.” sagot ko at binuhat sya papasok sa bahay nila.

Inalalayan din ako ni Jarren dahil karga ko amg kapatid nya at medyo may kabigatan ito.

“Oh, hi Kolette. It's nice to see you again.” bati sa akin ni Usher.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

“Hello, Usher.” bati ko pabalik.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Jarren sa likod kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatingin ito sa kapatid nya at nakataas ang kilay kaya lihim akong napangiti.

“What brings you here? Oh, I guess there's something?” tanong ni Usher.

Tumango lang ako at ngumiti ng biglang narinig ko ang boses ni Tita Jho.

“Nandito kana pala hija. Pasensyahan mo na iyang si Chase dahil nagpakarga na naman sayo.” sabi niya at lumapit sa akin.

Kinuha nya sa akin si Chase at binaba. Bumeso kami sa isa't-isa.

“Okay lang po tita. Magandang tanghali po pala.” bati ko sa kaniya.

“Tamang-tama ang dating mo dahil luto na ang pagkain kaya tara na.” aya nya sa akin.

Hinatak nya ako ng dahan-dahan kaya sumunod naman ako.

Sumama na din si Jarren at Usher sa amin samantalang hawak ko naman si Chase sa kabilang kamay ko.

Nakaupo na si Tito ng madatnan namin kaya binati ko ito.

“Magandang tanghali po, Tito.” yumuko ako at ngumiti naman ito sa akin.

“Umupo na kayo para makakain na tayo.” nag-siupo kami sa harap ng mesa.

THE RED STRING THEORY Where stories live. Discover now