C6

70 4 2
                                    

Nyckolette POV

Maaga akong nagising dahil maaga akong natulog. Naglaba muna ako ng mga damit ko dahil wala naman daw kaming pasok tapos yung projects daw sa Monday nalang ipapasa dahil marami daw ang hindi nakatapos. Hindi na ako nakibasa sa announcement sa gc namin dahil si Fern na mismo ang nagsabi sa akin kaya naglaba nalang ako.

“Ate paturo muna ako kung paano e solve to, hirap kasi ako.” napatigil ako sa paglaba dahil sa kapatid ko.

“Assignment mo? ” tanong ko at tumango naman ito. “Kagabe pa pala ito tapos di mo sinabi sa akin. Talagang bata ka,” sermon ko sa kaniya at pinunasan ang kamay ko.

Ginawa ko nalang muna ang assignment nya dahil baka ma late pa sya. Maaga pa naman at madali lang naman yung assignment nya pero siguro nalilito sya sa mga whole numbers at fraction pate yung may mga points.

“Ito tapos na, ” sabi ko sabay bigay ng notebook niya.

“Salamat ate, you're the best, ” sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti nalang ako at bumalik sa paglalaba.

***
Hindi naman karamihan ang labahin ko kaya madali itong natapos. Nag-almusal na ako dahil umalis si mama para sa work niya tapos si papa naman ay nasa trabaho na din. Ako nalang mag-isa sa bahay.

Nag text na rin sakin si Fern na papunta na sya at dadalhin niya ang sasakyan niya dahil marunong naman siyang magmaneho.

Nag-ayos na ako pagkatapos maligo. Naka jogging pants lang ako at naka oversized tshirt dahil sa bahay lang naman nina Jarren.

Pagdating ni Fern ay umalis na din agad kami.

“Sis malayo ba bahay ni Jarren? ” tanong nya pero umiling lang ako.

“Mga 20 minutes nandon na tayo kaya magpakabait ka baka ma bash tayo ni Tita Jho,” sabi ko naman sa kaniya.

“Akin ang kuya, sayo na si Jarren ha.” natatawa niyang sabi kaya inirapan ko sya.

“Baka masungit ang kuya nya at mainis sayo, sige ka baka una at last mo nang punta ito kina Jarren,” natatawang sabi ko sa kaniya. “Tsaka it's Friday, baka may pasok sila so baka sa Saturday pa natin sya ma meet at tsaka baka nandon ang kababatang kapatid ni Jarren. Masaya yung bantayan,” dagdag ko pa.

Mabilis lang kaming nakarating ni Fern dahil na rin kabisado ko ang daan at may sasakyan naman.

Sinalubong kami ni Jarren at Chase.

Tumakbo naman papunta sakin si Chase at nagpakarga.

“Ate Koyettt,” ang cute ng pagkasabi niya habang buhat-buhat ko.

“Kamusta ka chase?” tanong ko naman at hinalikan sa pisngi.

“Come in. Mom wasn't there, she's in the office and dad is on business trip,” sabi niya at pumasok na kami.

“San Kuya mo Jarren?” tanong ni Fern.

“Kuya wasn't there. Sa school, ” sagot niya.

Nag-usap lang sila at kami naman ni Chase ay nagkukulitan.

“Ate Koyet I have to give you something po,” bulol na pagkasabi at bumaba sa akin pagkabuhat.

Tumakbo ito papuntang kwarto niya at pagbalik niya ay may dalang red na bracelet.

“Ate Koyettt, I want to give this to you. Pretty ka po kasi,” sabi niya at nilagay sa kamay ko.

Nahihirapan pa siyang iligay iyon dahil sa liit ng kamay niya.

THE RED STRING THEORY Where stories live. Discover now