CHAPTER ELEVEN: Jersey

24 1 0
                                    

Chapter Eleven: Jersey

(Cherish’s POV)

Intrams na ngayon at syempre, pwede kang maggala gala sa campus. Open house din kami sa last day, kaya kahit outsiders pwedeng pumasok.

“Uy uy tara! Laban ng Compassion ngayon! Kalaban Diligence!” Narinig ko lang yung dalawang sophomores na nag-uusap.

“Sure naman ako Diligence na mananalo no. Puro utak lang yung Compassion!” Sabat naman nung kasama niya.

“Oy hindi ah!”

“May crush kalang dun e! Si Kuya Rasmvjdfjehfksldka!” Tinakpan kasi yung bibig niya. Kung ako man yun diba, nasa public place. Pulang pula tuloy si ateng isa.

Sige kakapalan ko na mukha ko.

“Uy, narinig ko kasing pinag-uusapan niyo yung laban ng Diligence at Compassion. Pero yung sumunod dun, pinili kong wag pakinggan promise! Ahh ehh. Kasisismula lang ba?”

Yung dalawang sophomore, parang matatae na yung reaction ng mukha nila! Grabe pinipigilan kong tumawa! Buti nalang kako wala si Mae dito! HAHAHAHAHAHA!

So parang di sila makakasagot kaya pumasok na ko sa court.

At pag pasok ko sa court, hindi nga ako nagkamali..

Dahil ang kuya Gavielle, player ng basketball. Parang gusto kong humalakhak ng todo todo.

Bakit?

Kasi, si Kuya Gavielle, ay hindi naglalaro ng Basketball!

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Kaya pala kanina pa may tawa ng tawa dito. Ang lalakas ng hiyawan.

Dahil sa ang gagaling nilang

Gawing track and field yung court. Takbo sila ng takbo!

Ang score?

04-28. Leading ang Diligence.

San kapa diba?

Tumabi sakin si Lex.

“Galing ng crush mo no?!”

“Hindi ko nga yon crush! Ano ba Lex!”

“Huuu! Denial ka lang! Sige na nga! I’ll just let you discover it by yourself. Pero sana, di pa huli ang lahat.”

Tapos umalis na siya.

Oo nga no? Bakit ba kasi hindi ko alam, Bakit ba kasi ganito ako?

Manhid ba ko?

Hindi,hindi. Kasi nagiging masaya naman ako pag nakikita ko siya e.

Bigla siyang kumaway sakin. Syempre nagulat ako, sino ba namang hindi. So ngumiti ako as a response sa gesture niya.

Tapos nakita kong jersey number niya, 15,

I wonder why.

May bago na kayang crush si Kuya Gavielle?

Ang gara naman. Bakit ganto nararamdaman ko?

Bakit parang nagseselos ako?

Kailangan kong malaman kung sino yun.

Pero paano?

Lumabas ako sa gym, parang hindi ako mapakali what’s behind his jersey number? To think na March 17, 1997 ang birthday niya.

Itetext ko nalang siguro siya mamaya. Haaay.

Ang OA no, pero ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganitong feeling.

Uuwi nalang ako at matutulog.

First day of intrams, Wasted.

--

Ako na ata ang pinakamaagang umuwi nung first day ng intrams. Ni wala man lang akong mapuntahang booths, at si Mae, di ko man lang nakita. Nakakadepress talaga. Ugh!

Dumapa ako sa kama, at paulit ulit inisip yung jersey number niya.

15.

15.

15.

15.

Ahhh! Bakit ba kasi kita iiniisip? Kung tutuusin, ang babaw nung dahilan eh. Pero tingin ko, di naman ako magkakaganito kung..

Wala akong nararamdaman sa kanya..

Siguro nga..

Matagal ko na siyang gusto..

Ayaw ko lang aminin..

Kasi..

Takot akong mahulog ulit..

Takot akong mahulog sa isang tao na hindi ako kayang saluhin..

Kelangan pa palang lumitaw si Jersey number para malaman ko tong nararamdaman ko. Tama pala si Lex,minsan nakakalimutan mo lang unawain yung mga sarili mong feelings kasi natatabunan ng iba.

Hayy. Gusto ko nga si Kuya Gavielle.Walang duda.

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon