CHAPTER THREE: Number Combination

37 2 0
                                    

 Chapter 3: Number Combination

Tuesday, pagpasok ko sa school nakita ko si Gavielle or should I call him Kuya Gavielle. Masyado kasi akong mabait. Hihi. :') So nakita ko siya nung papunta ako sa lounge namin. Di ko alam if I can call it major awkward, but he smiled at me. Sabi na eh, ang cute ngumiti nun. Turn off yung ginawa mo kahapon! Argh. Sa sobrang taranta ko, yumuko ako at tumakbo. As in yung mabilis! Kahit ambigat-bigat ng mga dala ko,basta kelangang hindi nya makitang..

Nagblush ako.  :”>

Hindi ko naman siya crush e. Di ba nga sabi ko unattractive para sakin? Pero bakit at for some reason, kinilig ako? May theory ba yung ganon? EXPLAIN NIYO NGA SAKIN OH, BRIEFLY AND PRECISELY AS POSSIBLE.

Pagpasok ko sa Library, wala, yun parin yung naiisip ko. Natural lang naman kiligin diba? Yun. yun yung pumasok sa isip ko. Na dahil lang yung sa mga hormones ko sa katawan being a teenager. Oo tama, kasalanan to ng Hormones ko.

“Hi, ba’t ka tumakbo kanina?”

“AY HORMONES KA!” Nahulog ko yung lapis na kanina pinaglalaruan ko lang bago dumating 'tong si Kuya Gavielle.

“Shhh! Gusto mo maulit yung kahapon?” Tapos nagsmirk. Walangay!

“Eh ikaw naman kasi pwede bang magwarning ka muna  kung susulpot ka hindi yung ganyan! Aatakihin ako sa puso sayo eh!” I am now wisphering pero oo, exclamation yun! Kainis kaya!

Nagtatawa na siya run. As if naman na nagjoke ako? Tao talaga ngayon oo.

So there yeah..

We became FRIENDS.

Maayos naman yung naging flow ng training namin. Si Kuya Clarenz, andyan para magtanung per level. Kunwari kami tatanungin niya ngayon. Tapos may mental session din kami. E diba nga bobo ako sa mental? Pero atleast, nakakaya kong magsagot. Pag naman hindi na kami yung tinuturuan niya, magbibigay siyang topic tapos aaralin namin. Ganun lang din sa iba. Tapos pag nagutom, pupunta kaming kiosk. Bibili ng turon o tinapay tapos itatakas paloob ng library. Buti nga hindi kami nahuhuli ng mga ST dun e.

Si Kuya Clarenz,minsan kaming nagkwentuhan tungkol dun sa bestfriend niyang niligawan niya at iniwan siya sa ere down to her present girlfriend na si Ate Rony.. So talagang lalaki nga siya. Yung way lang siguro ng pagsasalita niya ang medyo weird.

Si Kuya Gavielle naman, nagtatanung ako sa kanya pag hindi ko alam yung sagot talaga at kung ang hirap sagutin. Hindi narin ako naiilang ngayon sakanya kasi friends na kami.

Si Ate Andrea naman, sobrang tahimik niya, hindi masyadong nagsasalita at medyo OC sa gamit. Siguro running for valedictorian ‘to. Siguro ang tali-talino nito. The way I look at her kasi, alam mong may laman siyang magsalita. Yung ganon? Kaya minsan natatakot akong i-approach siya kasi baka snob.

Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayang Friday na ngayon at bukas na yung laban namin. Naging mabilis din kasi yung mga pangyayari. Hindi ko masyadong nakakausap yung mga kaibigan ko sa room kasi paglabas namin ng BED Library, umuwi na sila. Tapos pag uwi ko, nag-aaral na ako agad ng Math. Sabi kasi ni Ma’am Mely, pag nakapasok kami sa next round, exempted na kami sa Monthly Test sa Math. Kaya pursigido talaga kaming tatlo nila Lauren at Kevin.

In the middle of solving neuron-breaking problems in Math, nagsalita si Kuya Clarenz..

“Teka teka! Pause muna sa pagsosolve! Masyado kayong seryoso nabibingi ako sa katahimikan!”

Ano nanamang problema neto?

“Ano ba yun Clarenz?” Halatang naiirita si Ate Andrea. Sino ba naman kasi ang hindi diba. Bukas na yung contest tapos ganun pa.

“Ah. A-ano.. Ano kasi..”

“Ano po yun?” Sabi nung ibang third year.

“A-ano.. Anong kulay susuot natin bukas? Well, diba? Last Year nakablue tayo. How about this time?”

“Green nalang!” Sabi ko.

“Wag green! Ang baduy! Ano ka, mother nature?” WHATEVER KEVIN. WHATEVER.

“Ede yellow!” Sabi nung isang second year, si Ate Elena.

“Black nalang!” Si Kuya Gavielle naman yun.

“Color Coding nalang.” Tahimik na sinabi ni Ate Andrea. Para tuloy kaming natahimik din lahat mula sa pagtatalo.

Akala ko ako lang yung takot dun, SILA RIN PALA.

“Paanong color coding?” Ayan na si Kuya Clarenz.

“Kunwari ano, first year ka, green ang susuot since yun yung nasa ID lace natin. Yung Yellow sa second year and the rest, malaki na kayo, alam niyo na yun.” Tapos tumawa siya.

After niyang tumawa, parang nakaramdam kami ng ease and relief sa buhay. Haaay! Yung nakahingang maluwag. Masyado kasing seryoso tong si Ate Andrea! Biruin mo, tumatawa din pala yun! She should do that often, she’s prettier when she do so.

“Ay Good Idea, Andie.” Sabi ni Kuya Clarenz. Ang gandang nickname pero medyo common para sa Andrea. Well, hindi naman sa pangalan nasusukat yan after all, it’s the personality that strikes person most.

“Tsaka yung number niyo! Baka malate kayo bukas o kaya mawala sa venue.Sino ba sa inyo ang TM?!” Nah. Too talkative and loud kuya Clarenz. Nakalimutan atang nasa library kami. -.-

“Ako.” Sabay naming sinabi ni Kuya Gavielle. Nagkatinginan tuloy kami.

“Duh, TM?! As in Taong Mahirap?” Tumatawa na dun si Ate Andrea. Parang hindi siya yung nakita no nung Monday na tahimik. Grabe lang.

“Atleast praktikal sa buhay! E ano kayo, Globe? As if mukha kayong replica ng mundo.” Si Kuya Clarenz talaga, medyo childish.

“Whatever Clarenz, sige kunin mo na number nila.” Seryoso nanaman tong si Ate Andrea. Hirap basahin!

“Fine, whatever you say.” Luh isa pa to! Pagbubuhulin ko kayong dalawa eh!

So yun, parang may kopyahang naganap sa pagpasa-pasa ng papel. Nakita kong sinulat ni kuya Gavielle yung number niya dun. 0926xxxxxxx. A part of me says, ‘Go Cherish, kabisaduhin mo! Wala namang masama! Friends naman kayo e! Superfriends!’ Pero hindi ko ginawa. Kasi ayokong isipin niyang crush ko siya at baka layuan ako kahit hindi naman talaga.

Sinulat ko na rin yung akin. Cherish delos Santos. -> 0935xxxxxx  :)

Ang jeje nung smile..

Tapos pinasa ko na sa iba..

The next thing I knew, nakatulala ako at pilit inaalala yung combination ng number ni Kuya Gavielle..

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon