CHAPTER SEVEN: Avoided Topic

38 2 0
                                    

Chapter Seven:Avoided Topic

Araw-araw kaming magkatext at ewan ko kung bakit hindi kami nawawalan ng topic. Ang hahaba niya kasing magtext, para talagang nakikipagkwentuhan. Mostly, ganun yung mga reply na gusto ko, para naman mahirapan din akong palawakin yung topic.

Hanggang sa dumating kami sa ganitong topic..

Kuya kuya!

Chesca, chesca?

May tatanong ako.

Sige lang. Ano yun? :D

Sinong crush mo? Hihi.

Ako?

Hindi, ako. Ako.  Kaya nga ‘mo’ diba? Kasi AKO.

Joker ka pala no.  Sino muna yung sayo?

Don’t answer it with another question,Kuya.

Wag kang magagalit ha..

.

.

.

.

.

IKAW.

 --

QWERTYUIOPASDFGHJKLZXCVBNM?!@!#@$?!!!!!! As in AKO? WOAH?

Sa sobrang hindi ako makapaniwala, mga 5 mins. kong tinitigan yung screen ng phone ko. Pero iniisip ko, sa dinami-rami ng anghel sa school,bakit ako pa? Hamak na isang diyosa lang ako..

JOKE.

Sabihin na nating medyo kabaliktaran nun yung ako. Maitim, simple, puro pimples ang mukha,hindi rebonded ang buhok, hindi sanay mag-ayos. Bakit ako pa? Hindi rin ako attractive at kahit yung katawan ko walang ganda.

Kuya naman e, wag kang nagjojoke! Nakakatawa e.

It’s up to you if you’ll take it seriously or not. Ang mahalaga, nasabi ko na.

Sa lahat ng love adviser,experts,mentor,guidance councilor, psychologist,driver,janitor,body guard,basurera,aso,tuta,kuting..

PAANO BA AKO DAPAT MAG-REACT?!

Okay.

KALMA LANG.

Te-teka.WHY IN THE WORLD? AKO?

Teka lang din muna Cherish, di mo pa nasasagot tanung ko. Sino yung sayo?

At dahil desperada na kong malaman ang mga bagay na nakita niya sakin na hindi ko makita sa sarili ko mismo, nagpretend nalang ako ng kunwaring crush.

Sorry, pero kelangan kong gamitin ang pangalan mo. Ako nalang magpapaliwanag sayo, pag kailangan na.

Si Pat. Wag kang maingay ha! Pag pinagkalat mo yan, galit na tayo! =))

Ayie! Pat. Patpat! Hahahaha! >:D

Ansama mo! Pero anong nakita mo sakin?

Simple ka kasi,MAGANDA at mabait. Tapos feeling ko ansarap sarap mong kasama. :D

Ginoosebumps ata ako run ah. Kuya Gavielle, thanks for your compliment. :’)

Sus,bola all the waaaay!

Hindi Chesca,TOTOO YUN. It’s what my bare eyes saw and what my heart felt.

Gavielle’s POV

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon