CHAPTER FOUR: Speechless.

30 2 0
                                    

Chapter Four:  Speechless

SATURDAY, JANUARY 22, 2011

This is the day! Grabe ang aga kong nagising! Naunahan ko pa nga yung alarm ko e! 4:45 am ako nagising, samantalang 5:00 am yung alarm ko.

Tinignan ko yung cellphone ko kung may nagtext. Tatlo. Isang galling kay Mama, kay Mae at isang GM.

Mama. <3

+669xxxxxxx    1:17 am

Nak,galingan mo sa pagsasagot ah! Yakang-yaka mo yan! Mana aka ata sakin! Love you anak!

----

Mae.

+63906xxxxxxx   1:23 am

Bakla, good luck ha! Supportado ka ng barkada at ng Joy! Muahugxx. :*

Nakakatouch naman tong Mama ko at tong bestfriend ko. Super supportive!

At dahil maaga pa, binuksan ko ang laptop ko at nagonline sa Facebook..

Nakita ko may message ako.

Galing kay Aaron..

Pwede ba tayong magkita? Kelangan ko lang talaga ng kausap.. Break na kami ni Krizza.

“So matapos mo kong ipagpalit sa flirt na yun, sakin ka lalapit nung tapos na kayong maglandian?”

 Ayan, kinakausap ko na sarili ko sa sobrang inis. Totoo naman e. MU kami,nililigawan niya ako, Sasagutin ko na dapat kaso naglandian sila mga last quarter ng grade 6, tapos nalaman ko nalang sa iba, Valentine’s Day nung naging sila. Ang  jejemon diba? Itatapat pa ng Valentine’s Day kala mo namang aabot pa sila ng susunod na taon.

Pero sino nga ba ako? E naka MU nga lang ako ako. Nililigawan lang ako. Pero wala ba akong karapatang masaktan at maghimutok? Pinagpalit ako sa kaibigan ko, sa tinuturing kong sabihan ng sikreto. Grabe.

Double kill nga ako nun e. Nawalan ng mahal, nawalan ng kaibigan.  Saklap ng buhay no?

MOVED ON NA KO. Mag-iisang taon na rin naman yun.

Pero iniisip ko, pupunta ba ko? Rereplyan ko ba?

--

To: Aaron

Okay sige, text mo nalang ako. Anong oras ba? Sana mga hapon no? Sige.

*beep*

May nagtext. Si Aaron. Aga namang nagising nito. Sabado e.

Okay sige, sa Robinsons nalang. Salamat.

At pagkatapos nun, naligo na ako at hinanda ang sarili sa written exam.

Nung nasa school na ko..

“Oh, aga mo Cherish ah.”

Sabi ni Kuya Gavielle. May pagkacold din pala to. Siguro kabado.

“Ah, di naman e. Ikaw nga dyan e.”

“Tara na. Kanina pa kita hinihintay rito.”

“A-ah. Ganun ba. Sige Tara.”

Saka niya kinabig yung wrist ko at inakay papuntang sasakyan..

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon