CHAPTER FIVE: Sibat.

39 2 0
                                    

Chapter Five:  Sibat.

“Oh,buti andito na kayo? Kanina kapa inaantay niyan sa lounge, Cherish ah?”

“Pasensya na po sir, tara na po.”

Nako, nakakahiya naman sa kanila, pinaghintay ko silang lahat. E lalo naman siguro kay Kuya Gavielle, e hindi ko naman kasi sinabi na intayin niya pa ako diba?

Pero nagtataka ako, bakit sa dinami-rami ng MTAP participants, siya pa? Pwede namang si Kuya Clarenz diba?

Andaming tao sa venue, nakapagregister na kami at malapit nang magstart yung exams. Nagulat ako nung may kumalabit sakin.

Si Kuya Clarenz pala..

“Cherish,Good luck!” sabay gulo ng buhok ko.

“Kuya naman e, manggugood luck nalang gugulohin pa hairdo ko.” La, gulo talaga. Ayon inaayos ko siya ulit.

“Sige, una na kami sa room namin. Wag kang mag-alala, maganda kaparin naman no. Kahit wala ka pang buhok.”

“Chosero! Sige na! Good Luck kuya Clarenz!”

At naglakad na silang tatlo nila ate Andrea palayo.

“Hindi ka ba kinakabahan?”

“Ay gwapo!” Grabe naman kasi tong si Kuya Gavielle, kabute kaya to? “Hilig mo manggulat!”

“Syempre, walang thrill ang buhay pag palaging dadahan-dahanin. Diba?”

“Fine. Fine! Kabado ka lang eh!”

“Nu ka, baka ikaw dyan. Sino kamong gwapo?” He smirked. Ang cute lang.

“A-ah! Oo! Yung aso namin!Hehe. Alam mo pangalan? Vielle.” At ngayon ako naman ang tumatawa. 

“Sige aalis na ko ha. Good luck sa exams mo. Salamat at naalala mo ko kahit papaano, ang gandang pangalan ng aso mo.”

Umalis na siya. At sa tingin ko,kahit magsalita ako, hindi na yan lilingon. Pero kahit na.

“U-uy! A-ah eh.. Sige, good luck din Kuya Gavielle!”

--

Natapos ang exam namin after 2 hours. At isa lang ang masasabi ko. Makaputol-neurons! Jusko! As in! Ang sure ko lang ata na sagot e mga nasa 15 samantalang over 50 yon. Huhu. Ipinapanalangin ko nalang na mataas yung kila Lauren at Kevin. Tutal magaling naman sila talaga sa Math, yung given. Yung akin kasi, pilit. Huhu. Monthly Test, exemption na yun eh!

“Cherish, ano sagot mo sa 25?” Sabi ni Lauren.

“Sakin kappa nagtanong e ikaw tong Math Goddess?”

“EH! Di nga ano?”

“176.87 cm ata? Di ko sure yung decimal point.”

“Oh!? Ayun din sagot ko! Yun lang kasi di ako sure e.”

Pota.

“WEH?! As in?”

“Oo. Confident naman ako.”

“Lupit mo Lau, Grabe ka! Halimaw sa Math!” Ayan na si Kevin, katatapos niya lang.

“Goddess nga diba. Kayo talaga!” This time, alam ko na, na papasok kami. WTF isa lang di sure?!Pero himalang pareho kami ng sagot kahit hindi siya sure. I-degrade daw ba ang sarili. Ganyan nga Cherish. Palagi mo naman minamaliit sarili mo e. Why don’t you believe in yourself? Andami mo nang napatunayan eh.

Nakita na namin yung ibang year level at saka nagkamustahan. Tahimik lang ako since hindi ko alam kung reverse psychology yung sabi ni Kuya Gavielle kanina or kung totoong natouch ang kaibuturan ng kanyang puso. Siguro nagkakapaan, ganun.

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon