CHAPTER SEVENTEEN: Silent War?

34 1 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: Silent War?

Sabado..

At isa lang ang masasabi ko.

NGANGA

NGANGA.

At

NGANGA..

Puro nganga ang gagawin ko ngayong araw.

At put*nginang pagkakataon.

Ang ganda ng panaginip ko.

Wow. Just wow.

Alam niyo ba nangyari?

Nakita ko lang naman si Mae at si Atom sa likod ng building ng school.,,

NAGHAHALIKAN.

As in hindi smack. French Kiss. P*ta.

Feeling ko binaboy bestfriend ko..

At hanggang ngayon paggising ko, nagpapasalamat ako kay Lord at panaginip lang yun! Grabe!

Siguro naiinis na kayo sakin no? Kesyo ang pakielamera ko sa lovelife ng bestfriend ko, kesyo hindi naman ako yung involve sa relasyon nila at mas lalong hindi naman ako yung magmamahal at masasaktan if ever.

Diba?

Sige, kung yung pagkaasar at pagkamuhi niyo yung makapagpapagaan ng kanya-kanya niyong kalooban, then just do it. I’ll deal with it. Hindi niyo naman kasi ako naiintindihan eh..

NASAKTAN NA KO, hindi pa ko nakakapagboyfriend nun ah. Pero pinagdaanan kong masaktan at magmove on.

Kaya nga napakabitter ko pag may naririnig akong,”Wagas kung makapagmove on,di naman naging sila.”

As in FCK?

Hindi ba pwedeng magmove on ka kasi nasaktan ka? Pinaglaruan ka? Niloko ka? At higit sa lahat PINAASA AT PINANIWALA kang hindi kayo matitibag ng kahit na sino? Tapos nakipagflirt lang. Boom. Sila na. GANDA NO?

Pero bakit ba buhay ko yung kwinekwento ko? Kay Mae diba?

Fine. Protective Bestfriend po kasi ako. Ayokong nasasaktan yung mga taong importante sakin. As in hangga’t maaari ako nalang masaktan. Tsaka si Mae? Hindi ko lang naman yan bestfriend eh, Long lost sister ko siya.

Anak siya ng nanay niya. Anak ako ng nanay ko pero magkadugtong pusod namin.

Ganun ko siya kamahal. Pero minsan ayokong sinasabi sakanya yung mga bagay nayun.

Takot akong MAIWAN.

Takot na takot.

Siguro dala narin na yung mga parents ko e halos maging residente na sa Saudi, at gawin nalang bakasyunan tong Pilipinas dahil sakin. Minsan at madalas, MASAKIT yun para sakin.

Nag-iisa na nga lang ako, INIWAN PA. De sana sinama nalang nila ako diba?

Pero di ko naman sila masisisi. Para sakin yun.

Pero hindi naman siguro sa lahat ng oras kailangan ko ng material na bagay.

Kadalasan..

Kailangan ko ng PAMILYA.

Kaya si Mae at ang tita..

Pangalawa kong pamilya.

Naalala ko nung kasama ko pa si Papa. Pamula Prep hanggang Grade 5 ako, ako yung kasama niya.

Pero iniwan niya din ako eh. Pumunta siya kay Mama.

Ang Sakit. Para kong nawalan ng magulang. Promise. Literal na masakit.

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon