CHAPTER NINE: Candy's?

33 1 0
                                    

 Chapter Nine: Candy's?

(Mae’s POV)

Hi! Kamusta ba ang mga buhay buhay? Sirang-sira na siguro image ko sainyo dahil kay Cherish no? Walang hiya yun sakin e. Di ko nga alam kung bakit sakin lang. Knowing na bestfriend niya ako. How rude.

I have the right to introduce myself naman siguro no? :D

Ako nga pala si Yvegenny Mae Reyes. Alam kong mahihirapan kayong ipronounce yung first name ko kaya I decided na Mae nalang ang itawag niyo. Hindi ako magandang kasing ganda ni Cherish, the truth is, she’s prettier than me. Hindi lang kasi niya sanay mag-ayos ng sarili niya kaya ayan, ang labas mas maganda ako sa kanya.

Medyo may kaya kami. Yung Mama at papa ko may business ng wine product. Ayun. Kung paano kami nagkakilala ni Cherish? Nako matatawa ka.

Nakilala ko si Cherish, Grade 5. Bully kasi yung ibang boys na kaklase namin nun. Since transferee ako, wala pang masyadong kaclose kaya napagtritripan. Naalala ko pa yung eksena na yun.

(FLASHBACK)

“Ay may nunal sa ilong! Dun pa talaga sa pinakapoint! AHAHAHAHA! Ang panget mo! Panget! May dumi ka sa mukha!” Sabi nung mga bully kong classmate. Halos nakapalibot na nga sila sakin e. Ako naman umiiyak nalang run.

“AAAAH! Pangeet!”

“Hoy mga gunggong na sipunin! Tigilan niyo nga yung pang-aapi at pagtawag sa kanya ng panget! Bakit GWAPO KA BA NG LAGAY NA YAN?!” Inangat ko ang ulo ko at nakita kong papalapit sila dun sa babaeng tumulong sakin.

“Oo! Bakit hindi kaba nagwagwapuhan sakin?” Sabi nung leader nilang tababoy.

“Mahiya ka naman sa taba mo! Grabe ka! Tignan mo yang buhok mo, kulot. HAHAHA! Yang mga mata mo, parang luluwa! Tapos yung ilong mo,puro kulangot. Tapos sasabihin mo gwapo ka? HAHAHAHAHA!” Sa sobrang naintimidate e nagtatatakbo siya kasama nung mga friends niya.

“Huy bata, Okay ka lang ba?” sabi niya.

“Uh-o. Oo. Oo. Okay lang ako. Salamat nga pala kanina ha? Pano mo yun napaalis? Parang takot na takot sayo ah?AMAZONA!” Sabi ko. Grabe hanga na ko sa katapangan niya.

“Yun ba? E matagal na silang bully sa school, eversince classmate ko na yung mga yun, pero pag nag-ingay sila sa room, alam na nila kaya kong gawin.” Ang tapang talaga neto.

“O nga pala, ako si Yvegenny Mae.”

“Ano?  Yibjenny?! Weird naman ng pangalan mo! Pwede bang Mae nalang? Mas madali yun!” Tapos nagtawanan kami.

And that’s how our friendship started.

(END OF FLASHBACK)

Namiss ko lang naman tong bestfriend ko kaya ako madaldal eh, tapos ang sungit sungit niya sakin. Parang kanina pa ko nagkwekwento sakanya dito pero parang may hinahanap siyang nilalang na kung sino. Whoever art thou, you shall be punished! Joke lang.

Pero nakakain na kami’t lahat-lahat, lingon siya ng lingon sa kung saan. Gusto ko nan gang magselos kasi nababalewala na ko rito oh! Tapos siya, hanap ng hanap. It seems like I am an invisible girl to her.

DRAMAAA~

Pero totoo naman kasi. Acshali, this is the first time I saw her like that this HS. Yung huling pagkakaganito niya kasi, inlove siya,with that bastard Aaron. Lilitsonin ko talaga yun pag nagkita kami!

I had this urge to ask,’ Bakla, sino bang hinahanap mo? Nagseselos na ko ha!’

Pero di ko tinuloy. Like duh, lesbianism. Babae ako no.

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon