CHAPTER ONE: Mark this Day.

84 4 0
                                    

Chapter One: Mark this Day.

Monday,nasa klase ako nun,nagsasagot ng activity namin sa Math. Ang ingay nga eh, halatang nagkokopyahan lang yung mga magagaling kong kaklase, pero ako, ignore the world ang peg, kelangan kong matapos ‘to kasi 5 mins nalang natitirang time, number 3 palang ako.

Nang may biglang kumatok sa classroom..

“Ma’am,good morning. May I excuse, Lauren,Kevin and Cherish?”, hindi ko kilala yung nag-excuse, pero natigilan ako nung kasama pala ako sa ineexcuse? Badtrip naman ‘to, istorbo sa pagsasagot.

“Why?”,sabi nung teacher naming may red pouty lips,curly hair na dating straight,at, ano pa ba.. medyo chubby. Siya si Maam Melissa Catacutan. Ang tawag naming sa kanya,ma’am Mely. Ang astig nga ng apilyedo niya e. Kaya nung first day ng klase, nahiwagaan talaga ako sa kanya.

“E pinapatawag po ni Sir Mark,eto po yung letter for excuse nila.”

“Ah, ni Sir Mark? Osige. Oh, yung mga tinawag, alis daw muna kayo. Take your seatwork as an assignment,okay?”

“Yes Ma’am.” Sabay-sabay naming sabi.

“Ma’am! Daya naman nun! Bakit sa kanila assignment?!” Narinig kong sabi ni James. Ganun naman yun e, palibhasa pinakapasaway samin, at, oo, given na yun, PINAKAMADALDAL. Pinakaepal. Talaga palang may pinanganganak na ganun no?

Teka nga, kung makapagsabi ako ng madaldal e parang ako hindi. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Franchesca Ayel delos Santos. Freshman sa St. Augustine Academy. Hindi ako dito graduate,transferee lang din ako, kaya nangangapa pa ako nun sa sistema nila. Hindi kasi sila gumagamit ng notebook, portfolio system pala sila. Hindi rin kami nagsusulat sa ordinaryong papel na mabibili mo sa bookstore, kasi yung papel na pinagsusulatan namin, sa school bookstore lang mabibili. Ang tawag nila don, ‘Activity Sheet.’

Only daughter of Mrs. Shirley delos Santos at ni Mr. Joseph delos Santos. Yung palayaw kong ‘Cherish?’ Pwede namang ‘Chesca’ nalang. Ang layo sa Franchesca no? Pwede pa sa ‘che’, pero may ‘rish’ eh. Lalo naman sa Ayel. Ang sabi lang ng  Mama ko, ‘Cherish’ daw kasi sobrang kacherish-cherish yung moment na nailuwal ako sa Earth nun. Kahit si Mama lang ang pumuntang mag-isa sa hospital at nakuha pang magjeep nung naramdaman niyang kating-kati na kong lumabas. Ang Papa kasi, nasa Taiwan nun. Dalawang taon ko na siya nakita at hindi ko talaga siya kilala nun.

Hindi kami mayaman, sapat lang kaya nagdesisyon si Mama at Papa na umalis ng bansa para mapag-aral ako. Ang kasama ko ngayon sa bahay? Tita kong dedicated ata ang buhay kay Lord. Forever Single.

“Anong reklamo James? Tatapusin mo yan o i-zezero nalang kita?” Minsan talaga parang twice a month to nireregla eh. Ang taray!

Lumabas na kami dun sa room, tapos sinundan si kuyang fourth year. Wala akong masyadong kilala sa higher year. As if I care, gragraduate din lahat yan! Pero para siyang bading. Kaya chinika ko yung dalawa.

“Kevin, Lauren, kilala niyo ba siya?”

“Ako oo, magaling daw sa Math yan,Cherish.” Sabi ni Kevin. Ahh. Pero, bading nga kaya yun?

“Ahh. Ehh, Bading yun no?”

 Ang straightforward kong magtanong forever. Mwahaha! I just want the reality. The truth. Ito ang magpapalaya sakin!

“Hindi no! Anu ka ba Cherish, may Girlfriend yan sa Third Year.”  Hirit naman ni Lauren. Ah. Sabi ko nga mali ako. Pero parang talaga eh!

“Malay mo naman palusot niya lang yun?” Andami nang ganun ngayon no! who knows..” Ang chaka ko talaga! Hahaha.

“Shaddap Cherish, marinig ka niyan e. Crush mo no!?”  By that time, nasa library na kami. At ‘tong hirit ni Kevin ang nakakaalarma. As in—

“WHAAAAAT?! Yan?! YUCK NOOOO!” Alan a nakasigaw na ko nung nalaman kong nakatingin na silang lahat sakin.

“Oh, Im S-sorry.” Sabay yuko. Nakakahiya talaga! Pati si kuyang fourth year lumingon! Yung dalawa ko namang classmate, ayun, tawa ng tawa! Unang kahihiyan.

Mark this day, Cherish. 

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon