Chapter 23: Conclusion

27 2 0
                                    

Chapter 23: Conclusion

"Uhmmm.."

Waaaa! Pasuspense pa to! Puro suspense na lang ba mangyayare sakin? Ano, lipat ko na ba genre nito sa suspense?! DUH!

"Uhm?"

HAHAHA! Pasensya na po, wala akong masabi! As in wala! Kasi naman tagal mag-isip.

Isa lang naman sagot dyan eh..

"Hindi pa."

Oh. OKAY.

".. eh.. ikaw?"

"Naranasan ko na, grade 6 ako nagkafirst love eh."

"Grabe, anong feeling ng inlove?"

So, ganto talaga? Inosente look lang? :D

Ade sige, ilalahad ko para sa kapakanan ng gwapong nilalang na to.

"Mainlove? Masaya na mahirap na masakit. Pag inlove ka kasi, you should expect for the best and also for the worst. Pero masaya, in a way na sa simpleng gestures ng taong mahal mo, mapapangiti ka, or it can make your day complete, nakakainspire. Mahirap, lalo kapag hindi mo alam yung lugar mo sa taong mahal mo, o kaya hindi ka niya mahal at all, pero nagpapakita siya ng gestures na, talaga namang matotouch ka na aakalain mong mahal ka rin niya. At yung panghuli, masakit, kasi hindi naman lagi eh masaya, puro kilig, and that's the truth, may mga oras na masasaktan ka, kasama na yun sa pagmamahal. Masakit din kapag, alam mo sa sarili mong hindi ka niya kailanman magugustuhan. Isang pangarap lang."

"Ang hirap naman mainlove, ang alam ko lang kasi mag-aral, maglaro, alam ko rin yung meaning ng love.. pero alam kong hindi sapat na malaman meaning nun, diba?"

Exactly! Ano, gusto mo ba, turuan kitang magmahal? Sakin?

Oo na, sa lahat ng nakababasa nito ngayon, sige, pagsalitaan niyo na ko ng assumera, ng tanga, ng kung anong kabobohang salita, pero ano? Wala, feeling ko kasi.

Feeling.

"Ay nako kuya, may darating din na tao sa buhay mo na magpaparamdam ng pagmamahal sayo, at unti-unti, matututo kang magmahal. Diba nga sabi, you cannot give what you don't have? Wag ka lang mainip. HAHA"

Oo tama, darating din yung taong yun.

"Ano ka ba, hindi naman ako naghahanap ng special someone na magmamahal sakin eh."

Aray naman kuya. Sakit non ah, di mo ko kailangan? Akala ko ba crush mo ko? Akala ko ba gusto mo ko? Akala ko ba--

"Eh ano lang?"

"Wala, masaya na ko sa buhay ko ngayon, wala na kong hihilingin pa."

--ako lang yung nagusutuhan mo ng ganito?

CHERISH, ang mahal at ibang iba sa gusto. Spelling pa lang, hindi ka ba nag-iisip?

Okay, alam ko naman yun, pero, ugh, siguro nga, hindi pa siya magmamahal, wala, papaasahin ko lang tong sarili ko sa kanya, bakit ba kasi ang bait niya?

"Ah. Kuya, ganon ba, sige ano, tara, uwi na tayo." Tapos nginitian ko siya, yeah. FAKE smile.

"Ah, nabitin naman ako, Sige, tara sabay na tayong lumabas."

"Sige."

So naglakad kami pauwi, pero walang nagsasalita. Ayoko na munang magsalita, gusto kong labanan lahat ng nararamdaman ko at nasa isip ko. Ngayon ko lang to naranasan, yung labanan lahat ng gusto ng kalooban mo.

Ang hirap.

"Uy Chesca."

"Po?Ay. Sasakay na pala ko no? haha. Sorry."

OVERWRITE by SpeachlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon