Fritzy's POV
Nagising ako sa sobrang liwanag. Pinilit kong buksan yung mata ko para tignan kung nasan ba ako. Puro liwanag lang ang nakikita ko, nakakasilaw.
"J-just.." Si Justine yung una kong nakita pagmulat ko ng mata. Napansin kong nasa hospital pala ako. Pilit kong inalala ko ano yung nangyari kanina at Bbigla na lang nagflashback sakin yung mga nangyari kanina at di ko na napigilan mapahagulgol.
"Just, *sob* yung baby ko."*sob*
"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Gusto mo ng apple, teka ipagbabalat kita-----"
"Just,please." Hindi ko gusto yung nararamdaman ko. Bigla akong kinabahan ng hindi sagutin ni Justine yung tanong ko. Sana mali lang ako ng iniisip, sana nananaginip lang ako.
"So-sorry Fritzy." No, please God! Joke lang to dba.? Dahil hindi pwedeng mawala sakin yung baby ko. Please. Please, joke lang to.
"Nagjojokeka lang di ba? Baka naman may hidden camera dito? May kotong ka sakin just. Ha-ha-ha" Baka mamaya kasi trip lang ako ng tatlo.
"Wa-wala nna yung ba-baby mo. Sorry..." Para akong tinurukan ng anesthesia dahil wala akong maramdaman. Niyakap akong mahigpit ni Justine. Patuloy lang sa pagdaloy yung luha ko. Bakit ganon? Bakit kailangan pang mawala sakin yung baby ko?
Baby bakit mo iniwan si Mommy?
-------
Justine's POV
Walang may gustong magsalita samin sa nangyari. Sina Hiro at Axcel ay parehong tulala. Hindi pa nagsi-sink in sa amin na wala na yung baby ni Fritzy. May part sakin na gusto kong magalijt kay King pero sino ba naman ako para gawin yun.
Kinailangan pang turukan ng pampatulog si Fritzy dahil sa iyak si ng iyak. Hindi siya makapaniwala na wala na yung magiging little T.K niya. Maski ako na gustong maging ninong ay nalungkot. Alam kong magiging masakit ito para kay Fritzy lalo na kay Thunder malamang sisihin niya sila sa nangyari.
Naramdaman ko na lang na may nagbukas ng pintongunit hindi namin ito pinansin.
"Justine." Sht! Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang tumawag sakin. Pansin kong hingal na hingal ito at pawis na pawis. "King, ba-bakit ka nandito?" Tanong ni Hiro natataranta. Alam kong alam niya na hindi tamang makita ni Fritzy si Thunder ngayon dahil makasasama ito sa kanya.
"How's Zy? And my-my baby?" Doble ang katahimikang bumalot samin. Walang naglakas loob na sumagot sa tanong niya. "WHAT?! DAMN! ANSWER ME!" Nakakkilabot ngayon ko na lang ulit nakitang ganto si King. Alam kong kahit hindi namin sabihin nararamdaman niya na din yung sagot.
"The baby is dead." Sagot ni Axcel. Hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin ni T.K. "No! Tell me you're lying!!" Pinagsusuntok niya si Axcel kaya kaagad namin siyang inawat ni Hiro. "Gago ka pala e! Sinaktan-saktan mo tapos ngayon na nakunan, ako sisisihin mo?" Sigaw ni Axcel habang hila-hila siya palabas ng kwarto ni Hiro.
"King." Tawag ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon habang yakap ang sarili. "Sisisihin mo din ba ko gaya nila? Oo na! Ako na ang may kasalanan! Tangina!" Nakakabakla man pero wala akong ibang magagawa kundi yakapin siya. Nakakapanibago dahil ngayon ko lang ulit siya nakita in his weakest point.
"King, can you do me a favor?" Tanong ko sa kanya. Alam kong mas lalo siyang masasaktan sa hihilingin ko pero para ito sa ikakabuti ni Fritzy. "Pwede bang huwag ka munang magpakita kay Fritzy? Sobra kasi siyang nasaktan sa nangyari. Kaya kung maari, layuan mo muna siya." Ramdam kong sa sandaling ito ay umiiyak na siya malamang sinisisi niya na ang sarili niya sa nangyari.
"Bakit, justine? Bakit samin pa nangyari to?" Gusto ko sanang sagutin ng pabiro si King ngayon kaya lang baka manganib yung buhay ko. Ayoko pang mamatay. "Everything happens for a reason, bro." Naisingit ko pa no? GM yun ng tropa ko.
Hmmmm. baby mmmm.
Wag mong iwan si Mommy.
Sht! Huta! Si Fritzy baka magising. Yari tayo nito! Hindi niya pwedeng maabutan si King. Magwawala yun sigurado. Baka maging dramarama sa hapon ang tema nila.
"King, mabuti pa siguro umalis ka na. Baka maabutan ka pa ni Fri--------"
"Hayop ka! Anong ginagawa mo dito?!" Naknang! Yan na nga ba sinasabi ko. Nagising na si Fritzy. Wonder pets, kailangan ko ng tulong niyo!
"Zy." King, wag ka ng sumagot please lang. "Wag mo kong matawag-tawag sa pangalan ko, hayup ka! Demonyo!" Pansin ko ang galit sa mga mata ni Fritzy. Kulang na lang ata isumpa niya si King dahil sa pagkawala ng baby nila.
"So-sorry------"
"SORRY?! Putangina! Maibabalik ba ng sorry mo yung baby ko?! Sagot! " Niyakap siya ni King pero pilit niyang tinatanggal ni Fritzy ang kamay nito. Takte, anong role ko dito? Audience? La! Ang gwapo ko naman para maging audience lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/34815649-288-k758484.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Sungit (on-going)
Romance"Everything you need will come to you at the perfect time." Kelan nga ba yung perfect time? Yan ang katanungan na nabuo sa utak ni Fritzy. Para sa kanya merong namang FOREVER. Forever Single Forever Alone At Forever Sawi. Padalos-dalos mag-isip, pra...