Maga-alas onse na ata nun ng lumabas ako ng banyo. Nakailang katok ata si Boss sa pinto pero tila parang narindi na ko sa patak ng tubig at ang tangi ko na lang ginawa ay umiyak. Ramdam ko yung bigat ng mata ko kaya pagkapalit ko ng damit ay nakatulog na kagad ako.
Nagising ako dahil sa pagikot ng sikmura ko. Agad akong nagtungo sa banyo para dumuwal. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Lately kasi nagiging emotional na ko, ang dali dali kong umiyak at palagi din akong naduduwal. Nahihilig din ako sa maaasim. Sintomas na ba to na buntis ako?
-------
Thunder's POV
Sa totoo lang ayoko talaga siyang payagan na lumabas lalo pa't si Aeron yung kasama pero wala akong nagawa dahil kasama yun sa rules. Halos kumulo na yung dugo nung hindi niya sinunod yung sinabi ko na magpalit siya ng damit. Sabihin na natin na bestfriend niya yun, lalaki pa rin yun.
Makailang beses ata akong tumingin sa bintana dahil nagbabakasakali ako na nakauwi na si Fritzy ngunit hindi pa pala. Hindi ko naman siya matawagan dahil nakapatay phone niya, magaala-sais na kaya. OA na kung OA pero kasi pag dating sa kanya nagiging over protective ako.
*tok* *tok*
"Come in."
"Ands, what do you need?" Pinasadahan ko siya ng tingin. May dala siyang tuwalya sa kanang kamay niya at iba pang gamit.
"Kent, pwede bang makiligo?" Tanong niya. Bakit siya makikiligo? Lahat naman ng rooms sa mansion ay may kanya kanyang banyo.
"Huh? Bakit sira ba yung shower sa room mo?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Natatakot kasi ako e. Feeling ko may nanunuod sakin pag naliligo ako.. Sige na, Kent. Please?"
"Ok." Sagot ko.
"Yehey! Thank you!" Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. "Kent, Can I also borrow this shirt? Hindi ko pa kasi naayos yung mga gamit ko e." Turo niya dun sa damit na sinuot ko kanina. Hindi na din ako nagabala pa na maghanap ng damit pamg palit kaya wala akong suot na pang itaas.
"Sinuot ko na yan kanina, kuha ka na lang sa closet ko. Madami dun hindi ko pa nasususot." Pilit ko. "Nah. Okay na to. Thankies!" Ipipilit ko pa sana na yung bagong damit na lang pero pumasok na siya ng banyo.
Iidlip na sana ko ng may kumatok sa pinto kaya umayos ako sa pagkakahiga at umupo sa kama.
"Come in." Iniluwa nito si Fritzy na mat dalang paper bag sakto naman lumabas si Andrea sa banyo, basa pa ang buhok nito kaya pinapatuyo niya ito gamit ang tuwalya.
Oh, Fritzy! Nakauwi ka na pala." Bati ni Andrea kay Fritzy. Ilang minuto pa kaming binalot ng katahimikan bago ko marealize ang sitwasyon namin.
"Ah-uhm- ano, Sorry na---istorbo ko ata kayo." Fvck! Sa sitwasyon namin ngayon, masasabi mo na katatapos lang namin magsex dahil sa itsura namin. I think I need to explain dahil mali siya ng iniisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/34815649-288-k758484.jpg)
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Sungit (on-going)
Roman d'amour"Everything you need will come to you at the perfect time." Kelan nga ba yung perfect time? Yan ang katanungan na nabuo sa utak ni Fritzy. Para sa kanya merong namang FOREVER. Forever Single Forever Alone At Forever Sawi. Padalos-dalos mag-isip, pra...