Chapter 19: Rebound
Angie P.O.V
Hindi ko alam pero hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik sya. Hanggang ngayon hinihintay ko parin sya gaya ng naka sulat sa kwento ko, in title 'Dating Tayo. Napag desisyunan kona mag sulat narin ng kwento gaya nina Marie. Gaya nila, gusto ko ring i-kwento ang love story ng buhay ko. Hayaan ninyong simulan ko sa first meet namin.
* * *
Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo. May klase kami ngayon at hindi ko gawain ang magpa late.
Dala - dala ko rin ang Filipino books ko, dahil nag review ako para sa quiz namin ngayon kay ma'am Glory, ang teacher namin sa Filipino subject.Napa tingala ako sa kalangitan. 'parang napaka ganda ngayon ng araw, ano kayang meron?
Napa tigil ako sa paglalakad ng may marinig akong sumitsit. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses, pero hindi ko ito makita kahit saan. Tumingala ako sa itaas ng señor high school building, nakita ko ang lalaking malawak ang ngiti habang naka ngiti sa akin. Kumaway nalang ako rito bago nagpatuloy sa paglalakad. Sana'y na rin naman ako sa papansing si Aljun.
PAG DATING ko. Lumipas ang isang minuto bago nagsimula ang aming quiz. Walang sinuman ang nag iingay at halos lahat naka tutuk sa ¼ na papel at pilit syena syambangan ang mga number na hindi nila alam ang sagot.
"Pre, letter C yan. Tapos kapag nag check tayo, ikaw na bahala sa papel ko ha" bulong ni Christian kay MJ dahilan para mapa irap ako sa kawalan. "Anong pinag uusapan ninyo dyang dalawa Mr. Read and Mr. Guevara. Paki share naman nyan," wika ni ma'am Glory dahilan para iglap na maghiwalay ang dalawa mula sa dating pwesto.
"Siguraduhin na tama yang mga sagot ninyo. Alam kung matatalino kayo, kaya, kayang kaya na ninyong sagutan ito" hindi ko alam kung lalo pa kaming pini-pressure ni ma'am o ichine-cheer kami. Parang both lang e.
"Okay number one. Ibigay ang kahulugan ng epiko" saad nito sa buong klase. Mabilis naman akong nakapag sagot, dahil nga nag review ako kagabi.
12 pm na nga ako nakatulog para lang sa quiz na toh."Okay, pass forward the paper" saad ni ma'am ng matapos na kaming mag check sa Filipino.
"Maracigan, 18, Smith, 20, Krish, 16, Zalniana, 20, blah...blah...blah" saad ni John² habang isa isang binabasa ang score sa ¼ namin. Naka hinga ako ng malamang perfect ako sa quiz, gaya ng dati.
"Hi Angie" bati ni Aljun ng magkita kami sa canteen. Balak ko sanang snobbin, kaso kawawa naman, syaka hindi ako ganon noh.
"Hello" balik kong bati rito bago naglakad papalayo.
Halos araw-araw na niyang gawain ang batiin ako tuwing magkikita kami. He was really annoying, but I found interesting to him. He is so mature, at may itsyura rin. Grade 9 sya at ako, grade 8. Hindi naman talaga namin kilala ang isa't isa.
After a few months
Magkasalikop ang aming kamay habang masayang nag uusap sa harapan ng room. "Ano ba yan? Ang aga- aga, nilalanggam ako. Tandaan ninyo walang forever, maghihiwalay rin kayo" bitter na aniya ni Claire. Natawa nalang kami, dahil sanay na kami sa pagiging killjoy ni Claire.
YOU ARE READING
You Write, I Read
Short StoryFalling in love at first sight? Common called when you saw someone then you accidentally inlove with him. How creepy, right? A love story between Writer and Reader? This story dedicated of all teenager who accidentally falling in love in author on...