KABANATA 1: WELCOME, FRESHMEN

14 2 0
                                    

Gladys's POV

Tahimik kong pinagmasdan ang mga estudyanteng naglalakad mula sa ibaba ng building. Ilan ay may mga kasama. Pero halos ay naglalakad lng mag isa. Sabi-sabi ay mas ikakaligtas mo kung wala kang pagkakatiwalaan dito.

May bulong-bulungan na darating na ang bagong presidente mula sa Section A. Lahat ay abang na abang sa pagdating niya. Balita ng iba ay strikto at may magandang pagmumukha raw ang lalaki.

Hindi ko ito pinagtuonan ng pansin at tinignan na lng sila Varron at Felicity na papasok na ngayon sa section B. Ang section namin.

Ang paaralang ito ay para lamang sa mga mayayaman. Itinatag ito para sa mga kabataang angkan ng mga elite sa mundo ng negosyo. Malayo ito sa lungsod, hindi pinapatakbo ng gobyerno, at umiikot lang sa kamay ng mga makapangyarihan o mayayaman.

Unang linggo pa lng namin dito ng mga kaibigan ko. Wala pa akong ideya kung ano ang tunay na nangyayari sa loob ng paaralang ito, at lalong hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ng mga magulang ko na dito ako mag-aral.

Balita ko nga ang ibang estudyante ay last year pa rito nag-aaral. Ang weird na rin ng ibang estudyante. Lalo na yung mga estudyanteng dati pa rito nag-aaral. Mamaya nga raw ay may pupuntahan ang mga freshmen para malaman kung ano ang pwede at kung ano ang ipinagbabawal sa paaralang ito.

"Glad, bat di ka bumaba, alam mo bang may pinag pipyestahan na agad sa baba?"

Pagsasalita ni Felicity, pero nakapako ang paningin ko kay Varron na nakasuot ngayon ng sunglasses.

"Stop glaring" ngumisi ito.

Nang lumapit siya, agad kong binaba ang sunglasses niya — at doon lumitaw ang nakakasuklam niyang pagmumukha.

"Sucks! You know, just keep on wearing that"

"Nasisilaw ka ba sa kagwapuhan ko, Glad?" Nakaangat ang isang kilay niya, ang ngisi niya'y may halong pang-aasar.

"Nasusuka, pwede pa."

Napatingin ako kay Felicity, na tila walang pakialam sa pag-aasaran namin ni Varron. Nakatuon lang siya sa relo niya, para bang may hinihintay.

"Ginagawa mo diyan?" pag pansin ko sa babae.

"Gusto ko talagang tignan yung pinag pipyestahan nila kanina sa baba e" tinignan niya ng masama si Varron, "ito kaseng si Varron grabe kung mag madali akala mo talaga time na e"

Suddenly, our classmates all stood up, forcing us to do the same. Felicity was the first to leave, and with no other choice, I followed her.

At first, I thought she was just stepping out of the room, but she continued downstairs. I glanced behind me—Varron was quietly following.

Agad nakita ng dalawang mga mata ko ang sinasabi ni Felicity na pinag pipyestahan ng mga estudyante. May ibang nagbubulungan, walang reaksyon sa mga mukha, at ang ibang mukha na halos hindi mo na maipinta. Papalapit na sana ako nang may biglang estudyante ang umatras at nasuka sa gilid ko.

A few seconds later, the school's eerie bell rang once again — a signal that classes were about to start. The crowd quickly dispersed, revealing a black sack on the ground.

Nilalangaw ito at ngayon ko lng nalanghap ang masangsang na amoy. Napaatras ako nang makita ang katabi ng itim na sako. Duguan ang buong katawan nito, buka ang bibig, sarado ang mata, at ang noo niyang may nakatatak na... Section F?

"Putangina anong kagaguhan ito? December na ah, halloween pa rin ba rito?" Varron muttered in disgust.

Tinignan ko si Felicity na tulala habang tinitignan ang walang buhay na katawan ng isang lalaki.

A JOURNEY BEYOND GRADESWhere stories live. Discover now